Kinahapunan ay sabay na luumabas nng klase sina Kael at Annie. "Uuwi ka na ba ng diretso?" tanong sa kaniya ng dalaga. Napatingin naman ang binata sa hawak na telepono. Saktong nakatanggap siya ng message galing kay Honey na hindi makaksabay sa kaniya sa pag-uwi dahil sa research na gagawin nito kasama si Zane. Napatango na lamang ang binata saka isinukbit ang bag sa balikat. " Good! Sabay na tayo?" aya sa kaniya ng dalaga saka sumabay sa paglalakad. Habang naglalakad ay panay ang pagkwekwento ng dalaga ng kung ano-anong bagay at katulad ng nakasanayan ay hindi masyadong naimik sa kaniya ang binata. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na mahiilig makipagkwentuhan lalo sa hindi ganoon malapit sa kaniya. Marahil ay naging malapit rin ssa kaniya ang dalaga kahit papaano ngunit hin

