Sinundan agad ni Hana ang binata sa labas ng classroom. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib habang pilit na hinahabol si Indigo. Hindi niya alam kung paano at ano ang nangyari rito at bakit ganoon na lamang ito umasta. Habang naglalakad ay palingon-lingon siya sa paligid at hinahanap ito. Maya-maya ay biglang nahagip ng mata niya ang likuran nito habang naglalakad palayo. Awtomatikong tumakbo ang kaniyang mga paa palapit sa binata ngunit huli na ang lahat nang mapansing mas bumilis nag paglalakad nito. Patuloy pa sana siya sa paghabol rito nang makitang tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin. Dahil rito at laglag balikat na lamang siyang bumalik sa loob. **** Kael's POV Napatingin ako sa babaeng kaharap ko. Natigilan pa rin ito habang nakatingin sa sahig, marahil ay dahil ta

