Kael's POV Agad akong napabangon sa kama kinabukasan nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm sa cellphone ko. Sandali pa akong napatitig sa kisame saka walang ganang umupo sa kama. Bakit pakiramdam ko ay tamad na tamad ako ngayon? Napailing na lamang ako saka mabilis na kinuha ang cellphone at pinatay ang alarm nito. Hindi nga pala ako pwedeng magpatamad tamad ngayon dahil kailangan ko nang pumasok. Halos one week akong absent simula noong foundation week at ngayon pa lang ulit ako makakapasok sa school. Hindi na ako nagtagal pa sa kwarto at agad nang bumaba para magluto. Tahimik lamang ang paligid at maski isang tao ay wala akong kasama sa bahay. Simula noong nakaraang pagkikita namin ni ate Violet ay hindi na ulit ito umuwi pa habang ang dalawang bata naman ay paniguradong k

