Kael's POV Napayuko na lamang ako habang nakikinig sa kanila na inaasar si Zane. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Agad akong napalingon rito at nakita si Kuya Cris na papasok sa loob habang nakataas ang kilay. Patay! Maging sina Honey at Zane ay napalingon rito matapos mapansing nakatingin si ate Charmy rito. "Oh, andyan na pala siya," sambit ni Ate Charmy habang nakatingin rito. Akma na sana akong lalapit rito para bumati. Ilang araw na akong absent sa trabaho at imposibleng hindi niya alam ang tungkol rito. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kaniya ay bigla itong natisod habang nakatingin sa dalawa kong kaibigan. Nahulog ang lahat ng dala nito at ang payat nitonh katawan at mabilis na gumalaw upang pulutin ang mga ito. "Ohh..s

