Kael's POV Hindi ko na namalayan pa ang sarili at nakatulog na pala ako sa kama ko habang nakahiga at nagbabalik tanaw kanina. Nagising na lamang ako nang maramdaman ang mahinang tapik sa balikat ko. Dahan-dahan akong napamulat at nakita si Honey na nakatingin sa akin. "Kael! Ano na? Wala kang balak tumayo dyan?" nakataas na kilay na tanong nito. Oh sheshh! Oo nga pala at nandito pa ang mga ito. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga at mapungas pungas na tumayo. "Haist, bilisan mo dyan! Aba, parang ikaw pa ata ang dayo sa sarili mong bahay ah! Kami na nagluto kaya sumunod ka na ah!" sigaw ni Honey saka nauna nang lumabas. Napalingon ako sa orasan sa tabi ng higaan ko at nakitang alas-siyete na pala ng gabi. Halos inabot rin ako ng ilang oras sa pagtulog ko.Hindi naman na ako na

