Pagpasok nila sa klase nila ay agad na napatingin ang lahat sa harapan. Makikita kasi roon ang isang malaking box na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Napakunot ang noo ng karamihan habang ang ilan naman ay lumapit pa rito upang tingnan ang laman. "Anong meron?" takang tanong ni Honey saka umupo sa tabi ni Kael. Napakibit balikat naman ang binata. Maski isa sa kanila ay walang ideya kung anong meron at kung bakit nakalagay roon ang isang box. Napalingon si Honey sa pintuan nang mapansin ang dalawang taong papasok sa room nila. Napataas ang kilay ni Honey matapos makita si Jazz habang katabi si Rogue at papasok sa loob ng room nila. Napayuko na lamang si Honey at pasimpleng itinago ang mukha kahit alam niyang nakita na siya ni Jazz bago pa lamang ito pumasok sa loob ng room nila. Nana

