Agad na napatakbo si Kael palapit sa direksyon nina Hana. Habang sina Honey at Jazz naman ay agad na nahinto sa paguusap. "Kael?" tanong ni Honey sa kaibigan nang bigla siya nitong iwanan. Si Rogue naman, maski gustuhin niya mang sundan ito ay hidi niya rin magawa dahil mas lalo lamang manghihinala ang binata. Sa huli ay hinayaan na lamang niya ito, besised si Annie naman iyon at alam niyang may paraan ito kung paano makakawala kung sakaling manghinala na si Kael. Napatakbo naman bigla si Kael nang mapansing natatarantang umalis si Annie na kanina ay kausap ni Hana. Nagtataka siyang napaharap sa pinagtakbuhan ng dalaga habang nasa tabi si Hana. "Are you okay?" tanong niya rito. Mukhang hidi naman inaasahan ni Hana ang biglaang tanong na iyon kaya bahagya pa siyang napayuko saka i

