'Calm down,Hana. H*ly sh*t! Just f*ckin calm yourself down!' sa isip isip ng dalaga habang naglalakad ang binata palapit sa kaniya. Maya-maya pa ay napatingin siya sa direksyon nito at agad na nakita ang nakangiting binata. Sa hindi malamang dahilan ay agad na rumehistro sa kaniyang isipan ang nangyari kanina sa room na iyon. Halos nagtititili na ang kaniyang kalooban habang inaaalala iyon. Dahil sa kahihiyan ay napatalikod agad si Hana saka pakunwaring nauna na sa paglalakad. Sumunod naman sa kaniya si Kael na walang kaalam-alam sa nararamdaman ng kausap. "Are you going home na?" tanong sa kaniya ng binata. Simpleng pagtango naman ang sinagot niya rito. "Great, then sabay na tayo? Or...ihahatid ka ni Professor Dex?" tanong sa kaniya nito. Dahil sa hindi malamang dahilan ay inik

