Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan na ngang nakarating ang sasakyan ni Hana. Pagkasakay niya rito ay agad na siyang kumaway sa binata upang magpaalam hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin. Habang si Kael naman ay napabuntong hininga na lamang na naglakad papunta sa kabilang direksyon habang pilit na pinipigilan ang ngiti sa mga labi. Napalingon na lamang sa harapan si Hana at pinapa kiramdaman ang sarili. Hindi pa man siya nakakalayo sa terminal ay agad na niyang napansin ang isang babae na nasa dulong bahagi ng sasakyan. Panay ang tingin nito sa kaniya kaya naman mas nahalata niya ito. Lalo pa noong mabilis itong umiiwas sa kaniyang tingin nang saktong mapatingin sila sa isa't isa. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba na rin si Hana. Hindi man sa tapat ng apartmen

