Hindi naman na nagtagal ay umuwi na rin si Kael. Pasado alas nuwebe na siya nang gabi nang makauwi siya sa bahay nila. Bumungad sa kaniya ang tahimik at napaka dilim na bahay. Napabuntong hininga ang binata saka laglag balikat na nagpunta sa tabi ng mesa para buksan ang ilaw.As usual ay mag-isa na naman siya. Kung minsan nga ay iniisip na niya na lumipat ng bahay dahil wala na rin naman siyang babalikan rito pero iniisip niya na bahay pa rin nila ito. Naglakad na lamang siya papasok. Balak na sana niyang magtungo sa loob ng kwarto nila nang biglang bumungad sa kaniya ang isang babae. "Oh f*c--" Pinigilan niyang mapamura habang nakahawak sa kaniyang buhok. Para bang natauhan siya at nagising ang diwa nang magulat siya rito . "Hi!" bati sa kaniya ng dalaga. Kasalukuyang nasa kaniyang

