Kael's POV Sh*t! Sino naman kaya ang babaeng iyon? Kaibigan raw siya ni ate pero bakit nandito siya sa bahay habang nakasirado ang mga ilaw at bintana. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako habang inaalala kung paano ito lumapit sa akin kanina. Sa totoo lang ay nag-iiba na rin ang pakiramdam ko kanina habang nakaupo ito sa kandungan ko. Aminado naman ako na napakaganda niya at napakasexy kaya naman sinong lalaki ang hindi magagawang matukso sa ganoon. Gayumpaman ay hindi ko kayang magtaksil kay Hana. Para bang may isang bagay na pumipigil sa akin kaya pinilit ko rin ang sarili ko na iwasang tingnan ang dalaga. Isa pa ay parang pamilyar ito sa akin. Hindi ko lang alam kung saan o kailan ko ito nakita pero sigurado ako na may kamukha siya. Napapikit na lamang ako habang pilit

