Hindi naman na magawa pang makapagsalita si Honey matapos makita ang dalawa na magkausap. Magkaharap lamang ang dalaw at walang maski isang salita ang maririnig sa pagitan ng mga ito. Sa kabilang banda naman ay hindi na napigilan pa ni Kael ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sa totoo lang ay kanina pa niya hinihintay na magsalita ang kapwa binata gayumapaman ay mukhang wala itong balak na magsalita hanggang sa mapanisan sila ng laway. Akma nang ibubuka ni Kael ang kaniyang bibig upang magsalita nang mapansing bahagyang lumapit sa kaniya si Rogue at sinukat ang tangkad niya. Di hamak naman kasing mas matangkad si Rogue kaysa sa kaniya kaya naman hanggang ilong lang siya ng binata. Gayumpaman ay para bang hindi natuwa ang binata matapos malaman na kaunti lamang ang diperensya nila

