Kael’s POV Hindi na namin namalayan ay dahan-dahan na kaming tinatangay habang umaangat ang mga paa namin mula sa lupa. Hindi ko man nakikita ay nararamdaman ko ang sarili na para bang hinihimay ang kalamnan ko habang unit-unting naglalaho. Nakaka-miss ang ganitong pakiramdam… Dahan-dahan kong naimulat ang paningin at tumambad ang isang napakagandang Paraiso. Unti-unti kong ibinaling ang paningin sa tabi ko at nakita roon si Hana na dahan-dahan ring nagmulat ng tingin.Nananatiling magkadikit ang katawan namin habang magkahawak ang mga kamay. Unti-unting kumurba ang ngiti sa mga labi ng dalaga dahilan para ngitian ko rin ito pabalik at hinigit ang kamay nito palapit sa akin. “Opppss…” nagulat na sambit ni Hana saka napalapit sa akin ang katawan. Agad na pumulupot ang mga kamay ko

