Kael’s POV Nagpatuloy lamang ako sa pagtulala sa buong klase. Sa totoo lang ay wala n asana akong balak pumasok kanina kung hindi lang ako nakita ni Indigo. Napalingon na lamang ako sa harapan nang marinig si Miss na nag-dissmiss ng class. Agad na nagkaingay ang kabuuan ng klase. Maliban sa tapos na ang klase ay in-announce na rin na magtatapos na ang school year namin after three weeks. Napangiti na lang rin ako. Sa wakas ay moving up na naman kami at graduating na rin next year. “Kael, are you going straight home?” tanong bigla sa akin ni Indigo habang nakasukbit ang bag sa kanang balikat. “Ah…I guess. Saka na lang ako pupunta sa trabaho,” sagot ko rito. “Oh I see…then I’ll go ahead na. May pupuntahan lang ako,” sagot nito sa akin saka naglakad na palayo. Napatango na lang rin a

