Kael's POV Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na rin kami agad sa campus. Unang akong bumaba rito at napalingon sa gate nang mahagip agad nang paningin ko si Hana na kabababa lang rin sa kotse na sinakyan nito. Napalingon naman ito sa akin. Sandali kong napansin ang panlalaki ng mata nito saka mabilis na nagiwas ng tingin. Palihim akong napangiti lalo na nang mapansin kong hirap ito sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil sa sobrang saya. May parte sa akin na naaawa sa kaniya dahil alam kong hanggang ngayon ay masakit pa rin ito sa kaniya gayumpaman ay masaya rin ako na ako ang nakauna rito. "Tara na Kael!" sigaw sa akin ni Honey dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kasabay ang dalawa. Kung minsan ay napapaling

