Honey's POV Sandali akong natigilan matapos marinig ang sinabing iyon ni Jazz. Kahit na nakasabay ng malakas na busina ang mga katagang iyon ay agad na nagpantig ang mga tenga ko habang ipinoproseso ng aking isipan ang ibig sabihin ng mga ito. Napalingon si Jazz sa driver ng kotseng nagbusina. Napapikit pa ito ng kaunti dahil tumatama sa kaniyang mga mata ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa kotse. "Sorry boss!" paumanhin ng may-ari ng kotse saka dahan-dahang itinabi ang kotse. Napatango naman si Jazz saka napangiti. Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin kaya napayuko na lamang ako. Sa totoo lang ay madali lang para sa akin na sabihin sa kaniya na hindi ko siya gusto at wala akong plano na makipagrelasyon kung hindi rin naman si Kael. Gayumpaman ay hindi ko alam kung tamang panah

