Kapansin-pansin ang pagkataranta ng lahat matapos malaman ang isang balita. "Totoo po ba ang balita, Oba-san?Na babalik ulit ngayon si Dexie?" tanong ng isang babae sa isang matanda habang hindi mapakali sa isang tabi. Napatango lamang ang matanda habang pilit na hindi pinapansin ang dalaga. Sa totoo lamang ay kanina pa siya nasusura sa pagtatanong at pagpa-cute nito sa kaniya. Ito ay si Friyana, apo ng isa sa mga nakakatanda sa kanilang kaharian.Maliban sa pangalan at mataas na antas at katungkulan nito sa Freya, ay ito rin ang napipiga na mapangasawa ng Oji, si Dex. gayumpaman ay wala pang balak na mag-asawa ang binata kaya naman nanatiling tahimik ang binata sa tuwing pinaguusapan ang kanilang kasalan. Hindi rin naman siya pinupwersa ng kanilang lola na magpakasal sa taong hindi n

