3 DAYS AGO... Napaluhod na lamang si Violet habang nakatanaw sa malayo. Kitang kita niya ang buong pamilya na tahimik na nakatayo sa harap ng namayapang ama. Hindi na niya magawa pang ihakbang ang mga paa papasok ng kwartong iyon dahil sa sobrang gulat at sakit na nararamdaman. Kasabay ng kaniyang pagluhod ang dahan-dahang pagpatak ng kaniyang mga luha habang pilit na pinipigilan ang paggawa ng ingay. Napahawak siya sa pader habang inaalalayan ang sarili na huwag mahulog o matumba sa sahig. Napahawak siya sa bibig habang pinipigilan na makawala ang mahinang hikbi sa kaniyang bibig. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan sa nakikita. Siguro ay dahil napalapit na siya sa pamilyang ito. Hindi niya lubos maisip na magagawa niyang umiyak sa pagkamatay ng isang taong hindi naman niya k

