Lumipas pa ang isang araw ay hindi pa rin pumapasok si Kael na mas lalong ipinagtaka nina Honey. Hindi din nila makontak ang telepono nito at maging ang mga kamag-anak nito ay hindi rin nila alam kung saan hahagilapin. Ngayon lamang nila napagtanto na bukod sa masamok at malungkot na buhay estudyante ni Kael ay wala na sila masyadong alam sa buhay nito. Napatingala na lamang si Honey habang iniisip kung nasaan ang kaibigan. Mas lalo pa silang nagtaka nang mapansing nawawala rin ang isa oa nilang kaibigan; si Indigo. Halos walang nagsalita sa pagitan nilang dalawa habang naglalakad palapit sa canteen. Maya-maya ay bigla na lamang nabangga si Honey sa isang matigas na bagay. Dahan-dahan siyang napatingala rito nang mapansin ang taong nakatayo sa kaniyang harapan habang masama ang tingin

