Honey’s POV Halos madaling araw na kami nakatulog ni ate Kylie dahil sa sobrang dami ng chika nito sa akin. Mabuti na lamang at hindi nagloko ang alarm ko sa cellphone at nagising pa rin ako ng maaga. Napangiti na lamang ako sa harap ng salamin “Yay! Ang ganda mo talaga, Honey,” kinikilig na bati ko sa sarili saka parang tanga na napangiti at patalon talon na naglakad ng kwarto. Palapit na ako sa kusina nang may mapansin akong tao sa harapan ng TV. “Zane?!” tawag ko rito. Sakto namang kalalabas lang rin ni ate Kylie sa kusina habang dala dala ang isang bandehado ng kanin. “Grabe naman ‘to makasigaw, akala mo ay napakalayo ng kausap!” angil ni ate sa akin saka nagpatuloy sa pagbubuhat ng bandehado. Tinulungan na lamang siya ni Zane habang natatawa-tawa pa. Paano ba naman kasi ay si

