Nakangiting nakatanaw si Honey mula sa malayo. Sa totoo lang ay hindi niya inakala na papayag ang kaibigan na sumali sa laro dahil alam niyang wala namang hilig ang kaibigan sa sports. Gayumpaman ay hindi niya rin maiwasang matuwa dahil rito. Nanatiling magkakayakap ang buong team at kabilang rito si Kael. Habang nakamasid rito ay napansin rin ni Honey ang mga kalaban sa kabilang section. Naroon si Zane na nagtatakang nakatingin rin kay Kael, marahil ay katulad niyang nagtataka para sa kaibigan. Karamihan sa mga kasamahan nito ay malalaking tao kaya naman napapailing na lamang ang dalaga nang muli niyang ibalik ang paningin sa grupo nina Kael. Makikita rito ang malaking pagkakaiba ng dalawang grupo. Maya-maya pa ay isang malakas na pito ang narinig ng lahat kasabay ng paghihiwalay ng

