Gulat na nakatingin ang dalawa sa direksyon ni Kael. Halos mapangiwi sila nang makita si Rogue na palapit sa direksyon ni Kael. "f**k! Kaklase niyo yan?!" hindi makapaniwalang tanong ni Zane sa dalaga. "Huh? Ah...o-oo," nakanganga na sagot rito ni Honey. Kung tutuusin ay maski siya ay nagulat matapos makita si Rogue. Alam naman niyang kaklase nila ito, gayumpaman ay hindi niya inaakalang makakasama ito sa team nila. Sa kabilang naman ay nagulat rin sina Kael matapos makita ang papalapit na si Rogue. Nakasuot ito ng kaparehong jersey habang nakakunot ang noo na naglalakad palapit sa kanila. Walang emosyon ang makikita sa mukha nito habang naglalakad palapit sa kanila. Maririnig ang kaliwa't kanan na bulungan ng mga tao sa loob ng court sa biglaang pagsulpot ni Rogue. May kasikatan ri

