Kael's POV Ilang araw na ang nakalipas matapos akong makabalik sa reyalidad at hanggang ngayon ay halos hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sunod kong nalaman. Matagal na pa lang alam ni Ate Violet na nalalapit na ang pagkamatay ni papa. Ilang beses ko rin siyang tinanong kung alam rin ba ito nina mama at ng dalawang bata ngunit hindi siya nagsasalita. Sinubukan ko ring bisitahin ang pinaglibingan nito at nakakalungkot lang na hindi na ako nakaabot pa sa libing nito. Napayuko ako habang nakatingin sa pangalang nakaukit sa ibabaw ng puntod nito. Hindi na magawa pang lumuha ng mga mata ko dahil sa ilang araw at gabi na pag-iyak ko sa loob ng kwarto. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lamang ang pag-iyak ko gayong hindi naman kami madalas na nag-uusap. Marahil ay dahil nga sa madala

