Kinabukasan ay pilit na napabangon ng higaan si Kael habang papungas-pungas pang kinusot ang mga mata. Dahan-dahan itong napabangon sa higaan saka napalingon sa harap ng mesa. 'Alas sais na pala,' banggit nito sa isip isip. Agad siyang napabusangot saka tuluyang tumayo sa kama. Sa totoo lang ay wala sana siyang balak pumasok sa araw nito ngunit naalala niyang ngayon pala ang unang araw ng kanilang shuffle class. Hindi naman na siya nagpatumpik tumpik pa at agad nang nagtungo sa baba ngunit bago pa man siya makababa sa hagdan ay napadaan siya sa kwarto ni Violet at sandaling natigilan. Kagabi niya pa ito hinintay pagkatapos niyang makauwi. Halos alas nuwebe na rin kasi siya nakauwi kagabi dahil sa dami ng trabaho sa store, gayumpaman ay wala pa rin ito nang makauwi siya. Napailing na

