Pagkatapos ng meeting na iyon ng bawat klase ay agad na dumiretso na si Kael at ang mga kasama nito sa canteen. Ganoon rin naman si Zane na halos hilain na si Indigo para lang sumama sa kaniya papunta roon ngunit hindi pa man sila nakakarating sa mismong canteen ay agad nang napahinto na sa paglalakad si Indigo. Napansin naman ito ni Zane kaya napalingon pa ito sa likuran habang nakatingin sa kasama. “Indigo?” tawag nito sa kaibigan. “Mauna ka na lang muna siguro, Zane. I have something to do so I’ll go ahead,” mabilis na sambit nito saka tumalikod. Nakanganga namang nakatingin lang rito si Zane. “Teka!” malakas na sigaw niya rito ngunit tinaasan lang siya ng kamay ng kaibigan saka nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi naman na niya magawang sundan pa ito dahil ilang minute na lang at

