Pagdating ng Lunes ay maagang pumasok si Honey dahil sa gagawin nilang proyekto ng klase. Walang alam si KAel tungkol rito dahil hindi na ito pumasok noong Biyernes maapos niyang ma-injury sa basketball. Habang naglalakad sa hallway ay bigla siyang nilapitan ni Rogue. Bahagya pang nabangga nito ang kaniyang braso kaya hindi niya naiwasang mapalingon sa binata. Diretso lamang na nakaingin si Rogue sa harapan habang buhat buhat angisang box na puno ng kung ano anong gamit para sa gagawing proyekto. Magsasalita na sana si Honey ngunit minabuti na lamang niyang itinikom ang bibig at nanahimik. Ang akala niya ay hindi ito magsasalita ngunit nagulat na lamang siya nang sadyang kalabitin siya nito sa balikat. "Hey!" bati nito sa kaniya habang nakatingin pa rin sa harapan. Nangunot naman aga

