Bigla na lamang hinawakan ni Zane ang braso ni Honey. Naguguluhan man ay agad na napatayo ang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa binata. Para na lang kasi itong kabuti na biglang lumitaw sa kanilang harapan. Masamang tiningnan ni Zane si Rogue dahilan para mapataas ng kamay ang isa na para bang sumusuko. Sa totoo lang ay hindi lamang ang dalawa ang nagulat sa biglaang pagdating ni Zane. Hindi lang naman kasi sila ang nasa lugar na iyon kaya mayroon ring napatingin sa kanila. Pasimpleng nagbulungan ang mga ito habang nakatingin sa kanila. Agad na napansin ni Honey ang tensyon sa pagitan ng dalawang binata, maging ang tingin ng mga tao sa paligid ay hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin. Agad niyang inalis ang pagkakahawak sa kaniya ni Zane sa braso niya dahilan para mapalingo

