Napatigil kami sa harap ng bahay nina Honey nang mapansin namin ang isang motor na nakaparada sa harapan nito. Maski si Honey ay bahagyang natigilan dahil pamilyar sa amin ang motor na iyon. Sandali kaming nagkatinginan saka sabay na pumasok sa loob ng gate. Pagbukas namin ng pinto ay bumungad sa amin si Ate Kylie ang bestfriend at may-ari ng bahay na ito habang may dala-dala na pitsel sa kamay. Agad itong napatingin sa amin saka lumabas ang mapuputi nitong ngipin habang nakangiti. Hindi ko maiwasang mapangiti rin dito dahil totoong napakaganda ng kaharap namin ngayon. Magsasalita na sana ako upang bumati rito nang biglang umalingawngaw ang malamig na boses ni Honey. "What are you doing here?" tanong nito at saka ko lamang napansin si Zane na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa amin

