Kael’s POV Days have passed since that day at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin pumapasok si Indigo. Napatingin na lamang ako sa labas ng bintana habang nakatanaw sa puno sa tapat ng building namin. Ilang araw na rin akong mag-isa sa klase at wala rin akong makausap dahil si Indigo lang naman ang nakakausap ko sa room namin. Habang si Zane at Honey naman ay mukhang nagkaroon ng tampuhan matapos ng pag-uusap namin noong nakaraang araw. Pagkatapos ng huling klase namin ay agad akong lumabas ng room at nagpunta sa opisina ni Hana-sensei. Sa totoo lang ay bigla rin siyang nawala matapos nang huling kita naming. Sabi ni Professor Dex ay ito raw ang nag-asikaso ng kaso ni Indigo pero hindi ako naniniwala. Sa palagay ko ay bumalik ito sa Freya kaya naman hanggang ngayon ay wala pa ito. Kun

