Kael’s POV Hindi na nga bumalik pa si Indigo sa klase namin hanggang matapos ang lunch. Tinanong na rin ako nina Honey kung bakit hindi ko ito kasama pero wala akong masabi na kahit isang salita sa mga ito. Sa totoo lang ay tinangka ko itong sundan nang makita ko siya habang ako naman ay pabalik na sa room after ng lunch. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang mag-isa lamang itong nakatambay sa likod ng building habang nakaupo sa sira upuan roon. Maybe he needs time and peace so I let him alone. And up until now ay hindi pa rin ito nagpapakita kahit na last subject na namin. Maya-maya pa ay pumasok na nga ang next subject instructor namin, si Hana-sensei. Tulad ng nakasanayan ay muling naging masigla ang klase. Kaliwa’t kanan ang asaran para kay Hana-sensei kaya naman hindi n

