Cheryl Althea's POV Nagising ako dahil sa maingay na tunog sa gilid. Paglingon ko ay ang cellphone pala ni Justine ang nag-iingay. Patuloy ito sa pagtunog mamatay at tutunog muli. Hindi ko ito kinuha bagkus ay bumangon ako lumabas ng kuwarto. Hinanap ko si Justine upang ipaalam sa kaniya na may tumatawag sa cellphone niya. Nahanap ko siya dito sa ilalim ng puno na nakatayo at nakadungaw sa napakaganda at napakalaking bulkan mayon. Napaka-astig ng tindig niya halatang alaga siya ng gym dahil sa matitipunong katawan. Maputi si Justine kaya namumula ang talampakan niya. Sa suot niyang simpleng short at v-neck shirt ay para siyang modelo na nakaharap sa mayon dagdagan pa ng makulay na kahel na unti-unting umu-usbong sa kalangitan. "J-justine..." Tawag ko sa kaniya subalit hindi niya ako nari

