Cheryl Althea's POV Nakatitig ako sa mga pagkaing nakahain sa lamesa, kahit na namimis ko ang mga pagkaing probinsya ay hindi pa rin ako natakam. “kumain ka sweetheart, masarap magluto ang katiwala ko dito. Magugustuhan mo ang mga ito,” Pag-aaya sa akin ni Justine at nakangiti itong sinalinan ako ng kanin at dried pusit sa plato. Maglalagay pa sana ito ng tuyo at itlog nang pinagilan ko na ito. Peke akong ngumiti sa kaniya at napilitang sumubo. Tahimik lang kaming kumakain tanging kubyertos niya lang ang naririnig dahil ako ay pinili kong mag-kamay. Hindi ako nahihiya sa harap niya kahit nagmumukha akong ignorante, pagkatapos naming kumain ay inaya niya ako sa kuwarto. “Ito ang magiging kuwarto natin, maraming kuwarto dito pero gusto kitang katabi sa pagtulog,” Direkta niyang sabi kaya

