Third Person’s POV “Magandang umaga saiyo hija, ikinagagalak kong tinanggap mo ang aking alok,” Nakangiting tinig ni Mr. De lavega na kaagad naman itong nilapitan ni Justine David at nagmano ito sa amain. “Good morning din Tito Justine, salamat po sa pag-imbtida at makakasama ko na uli ang ate at ang bunso ko, aking nararamdaman magbabago na ang takbo ng aming buhay!” Sagot naman ng dalagita at sumilay ang matamis nitong ngiti na hindi naman nakaligtas kay Justine David at nakatitig ito sa dalagita dahil sa subrang ganda nito at mapuputi at magaganda rin ang hulma ng ngipin nito na ngayon niya lang nasilayan na ngumiti ang dalagita. Kaagad naman sinamaan ni Jewel si David nang mapansin na nakatitig ito sa kaniya. “Marunong ka palang gumalang, ano kaya nakain mo?” Pang-iinis sa kaniya ng

