Third Person’s POV Sikat na ang araw subalit nanatiling nagku-kuskus nang semento sa garahe si Althea habang nakatayo sa gilid niya si Violet at pinapaypayan pa ito ni Alma habang pina-payongan naman ito ni Malyn. “Bilisan mo pa, ke bagal-bagal!” Singhal sa kaniya ni Violet kaya kahit masakit sa balat ang sikat ng araw at pagod at uhaw ay sinunod na lamang ito ng dalaga. Maya-maya pa’y narinig nila ang paparating na sasakyan kaya kaagad na kumilos si Violet at pinapasok sa loob ang mga kasambahay at isa na roon na si Althea. Bago pa makapasok si Jordan ay isang pagbabanta ang binitiwan ng amo nilang babae. “Huwag na huwag n’yong sasabihin sa asawa ko ang pinagkasunuduan natin kahapon lalong lalo ka na babae, dahil kung hindi ay papalayasin ko kayo magkapatid naiinitindihan mo?” Mad

