Cheryl Althea's POV Tahimik kami ni Jordan habang binabaybay namin ang daan patungo sa ospital na pinagdalhan nila kanina. Pagkarating namin sa room ay pinasuot kami ng medical labs at pinapasok na kami sa loob. Napaluha ako nang makita ang kalagayan ni sir Justine maayos na daw ito pero kailangan pang manatili sa hospital dahil na stroke umano ito. Tulog si sir Justine nang madatnan namin. Nag-usap si Matthew at Jordan sa isang tabi at ako naman ay umupo paharap sa bed ni sir Justine. Maya-maya pa’y nilapitan ako ni Matthew at inaya akong lumabas pero umayaw ako dahil hindi ko magawang magliwaliw habang ang taong tumulong sa akin ay nakaratay sa ospital. Nainitindihan naman ito ni Matthew at pinatayo na alang ako at niyakap nang mahigpit. “Maghahanda na ako para sa pag-alis ako, hinta

