Nagmistulang fiesta sa mansyon ng mga Monetenegro dahil bumaha ng mga pagkain at inumin sa loob at sa labas ng bahay. Mayroon din nag-vi-videoke at nagsasayaw sa hardin ang mag-asawang Montenegro. Nanatiling nakatayo lamang ang binata sa veranda at pilit lamang na ngumingiti sa mga taong nagkakasiyahan sa labas. Tinungga ni Jordan ang hawak niyang alak sabay na kanyang pagbuntong hininga. Kanina niya pa gustong umalis ng mansyon upang puntahan ang dalagang si Althea ngunit ayon sa tauhan niya ay nasa shooting umano ito at bukod pa roon ay ayaw niyang putulin ang mga masasayang ngiti ng kaniyang ina. Kahit papaano ay masaya siya nang muling makita ang nanay niya. Halos mahimatay nga ang nanay niya nang makita siyang bumaba ng sasakyan at ito kaagad ang sumalubong sa kaniya sa gate at hindi

