Matulin na pinapatakbo ni Mr. De lavega ang sasakyan pabalik sa kanyang mansyon at kaagad niyang inilalayan ang binatang si Jordan na makapasok sa loob ng bahay at pasalampak niyang nabitawan ang binata sa sofa at siya na rin ang nagpunas ng basang katawan nito. Pagkatapos ay kinuha niya ang medicine kit at ginamot ang pumuputok na labi ng binata. “I lost her, I lost her, Pa,” Paulit-ulit na sambit ng binata at kaagad nitong pinahid ang namumuong luha na naman sa mga mata nito. “It’s not yet over son, so don’t lose hope, instead you have to think deeply how to win her heart back again,” Nakangiti ang Ginoo sa binata at inabutan siya nito ng bote ng pilsen at nakatayo sila sa balkunahe habang pinapanood ang walang humpay na ulan. Nilingon niya ang binata sa kaniyang tabi dahil tahimik la

