Mataman naka-upo ang dalaga sa harap ng malaking salamin habang sinusuklayan ito ng Ginang at kapagkuwa’y idinikit ni Ella ang mukha sa mukha ng anak at sumilay ang ngiti niya sa salamin. “Pagmasdan mo nang mabuti, anak, para mo akong salamin replica mo ang aking mukha,” Bulong ni Ella sa tenga ng dalaga habang pinaglalaruan ng dalire nito ang dulong buhok ng dalaga at hinawakan ang mukha ni Althea ng dalawa nitong kamay habang patuloy ang pagsasalita nito sa salamin. ‘This beautiful face is the best weapon, I’m glad you knew how to use it, well played indeed!” Ani pa ng Ginang sabay na humalakhak ng malakas. “Nagu-guilty po ako, pakiramdam ko napakasama kong tao,” Saad ng dalaga dahilan para matigil ang hagakhak ni Ella at kunot noo nitong pinaharap sa kaniya ang dalaga. “Hindi ka mab

