Cheryl Althea’s POV Biglang lumuhod si Jordan sa harap ko at humagolhol ito nang iyak. Lumandas ang aking mga luha pero inis kong pinahiran ito at kinuyom ko ang aking kamao. “Althea, hindi ko alam kung sa paanong paraan kita mapapaniwala na hindi ko kagustuhan ang nangyari. Totoong nawalan ako ng ala-ala kay—“ Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa mukha niya sinisiguro kong ramdam niya ang sakit hanggang sa kahuli-hulihang ugat ng kaniyang mga kuko. “Hindi ka rin pala Gago kundi saksakan ka pa ng sinungaling!” Sigaw ko sa mukha niya at nang hahawakan niya ako sa kamay ay malakas kong winaksi ang kaniyang palad. “H-hindi ako a-alis hanggat hindi tayo nag-uusap at gusto kong makasama ang mga anak ko,” Dagdag pa niya kaya ngumisi ako nang nakakapangigil. Hindi ko alam kung anong gag

