Cheryl Althea’s POV Malalaki ang hakbang ko habang papasok sa Campus. Hindi na ako nagpahatid kay Justine o kahit sa driver niya. Ipinangako ko rin kay Justine na papasok na ako sa lahat ng subjects ko at mag-aaral nang mabuti. Napaupo ako ng tuwid nang pumasok na ang professor namin. Akala ko nga ay sesermunan na naman ako nito sa ginawa kong pagtulog sa klase niya no’ng nakaraang araw pero normal lang itong tumingin sa akin nang mag-attendance. Mataman akong nakikinig habang nag-di-discuss ito. Mabilis na natapos ang oras hanggang sa nag-tanghalian na. Kumain lang ako sa canteen at muling nag-abang sa oras ng pasok ko sa hapon. Pagkalabas ko ng room ay saka ko pa lang napansin na madilim na pala ang paligid. Sumabay ako sa grupo ng mg estudyante papalabas ng unibersidad. Habang nagla

