Third Person’s POV Maagang nagising and dalaga dahil kailangan niya pang pumila sa MRT patungo sa university na pinapasukan niya ngunit paglabas niya ng gate kay naghihintay pala sa kaniya ang binatang si Matthew. Napahinto si Althea dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. “Good morning, love!” Magiliw na bati nito sa kaniya at inabot pa nito ang isang pumpon ng bulaklak. Napaiwas siya ng tingin nang inabot niya ang bulaklak. “Ihahatid na kita,” Boses uli ni Matthew at ipinagbukas siya ng pinto. Kimi siyang naupo at hinintay na umandar ang kotse. Tahimik nilang nilalakbay ang daan patungo sa kaniyang pinapasukan. “Anong oras ang out mo susunduin kita?” Tanong ni Matthew nang hininto nito ang sasakyan sa labas ng gate nang makarating sila. “H-hindi na… nakakahiya nam—“

