Michael Jordan’s POV Sumapit na ang dapit hapon pero wala pa rin si Althea. Nakaupo ako sa banko habang nasa bisig ko ang bunso naming babae at hinihintay namin ang Nanay ng mga anak ko, ang babaeng nagpapatibok ng puso ko at nagpapadurog ng pagkatao ko. At first I didn’t know where to start the story of my life for over a year. I just woke up in the hospital with my loved ones. Tinanong ko sa kanila kung bakit ako nakaratay at bakit hindi ako makalakad ngunit ang sabi ng aking Ina ay nabangga lang ang sinasakyan ko sa isang poste at malaki ang naging pinsala sa akin kaya kinailangan pa nila akong dalhin sa ibang bansa sapagkat naroon ang mga dalubhasang mangagamot. Sa tulong ng therapy at mga kaibigan kong doctor ay unti-unti akong naka-recover hanggang sa tuluyan gumaling. Bumalik ako

