Cheryl Althea’s POV Kahit hindi kami malapit sa isa’t isa ay panay pa rin ang kuwentuhan naman ni Dr. Angelo, sadiyang mapagbiro ang tadhana at magkababayan pala kami at magkapit bahay pa. Kinarga niya ang bunso kong anak nang naikuwento niya rin na sa’kin ang naging buhay niya dahil nag abroad pala siya at doon nanilbihan sa ibang bansa. Nakilala niya rin ako dahil minsan akong sumabak sa showbiz at naging model din ako kaya senerch niya ako sa google at doon niya nalaman ang kuwento ng aking talambuhay na isa akong anak ng bilyonaryo. Ayon pa sa kaniya ay nagbakasyon siya ng isang buwan lang at babalik din sa Amerika. Tinanong niya rin ang ama ng mga anak ko pero hindi ko na sinabi sa kaniya kung sino sinabi ko na lang na single mother ako. Kasalukuyan kaming nagtatawanan nang pinipis

