Third Person’s POV Malakas na hinagis ng binatang si Jordan ang hawak nitong cellphone at tumilapon ito sa semento nang mapag-alaman niyang nalinlang siya. Kahit ang sa kabilang linya ay naghihimutok sa galit at ang sinisisi nito ay ang binata. Kaagad naman dumating ang tauhan niya na tinawagan niya kanina kaya sa subrang galit ay nasuntok niya ang lalaki. “Paano nangyari ‘yon, paanong nangyari iyon?” Sunod sunod na tanong ng binata at muling inupakan ang lalaki. “Boss, naisahan tayo, naunahan tayo ni—“ “Ginagago mo ba ako?” Pinutol ng binata ang sasabihin niya at muling kinuwelyuhan. Ang mga tao sa paligid ay nakatuon sa kanilang dalawa lalo pa’t malakas ang boses ni Jordan. Mabilis naman na tumayo ang tauhan at binuksan nito ang kotse at kaagad na pumapasok si Jordan at mabilis niton

