Cheryl Althea’s POV Eksaktong alas dose ng tanghali nang matapos ako sa pagluluto at si Jordan naman ang naglagay ng aming pinggan at kubyertos. Magkaharap naming pinagsasaluhan ang niluto kong sinabaw na isda at pinakbit at marami rin prutas sa lamesa. “How did you learn to cook?” tanong niya sa akin nang matapos itong humigop ng sabaw. “Sa nanay ko, maliit pa lang ako marunong na ako magluto,” sagot ko. “I am so lucky to have you, baby,” Sambit niya at hinawakan ang isa kong kamay at hinalikan niya ang likod ng aking palad. Nagtatawanan kami habang kumakain at pagkatapos ay tumambay uli kami sa ilalim ng puno at sinusuklayan niya ang mahaba kong buhok at nagkuwento siya sa akin kung paano daw niya naging tatay tatayan ang tatay ko na si Mr. De lavega. Hanggang sa sumapit ang dilim ay

