Chapter 10: The Evil Plan

2039 Words
Pakiramdam ni Scarlet ay malulunod na siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Miguel. Naging mapusok na kasi ang binata. Unti-unti na siya nitong inihiga sa buhanginan habang patuloy pa rin ang mga labi nito sa pagsakop sa kaniyang mga labi. At ang isang kamay nito ay nakahawak na sa ibabaw ng kaniyang dibdib. "M-mmiguel," usal niya rito. Ngunit tila walang naririnig ang binata. Patuloy pa rin ito sa kaniyang ginagawa at hindi niya namalayan ay natanggal na pala ng binata ang hook ng kaniyang bra. Nabuksan na pala nito ang butones ng kaniyang blouse. Nais ng isipan ni Scarlet ang tumanggi at manlaban ngunit ang kaniyang katawan ay para bang may sariling pag-iisip. Ang kaniyang mga labi ay nakikipag sayawan na sa mga labi ng binata at ang kaniyang mga kamay ay kusa na ring gumagalaw at hinahaplos na ang mga buhok nito. "Ahhmmmm, M-miguel," paungol niyang wika. Habang ang mga labi ni Miguel ay lumipat na sa kaniyang leeg. Pababa ang mga halik nito hanggang marating ang maumbok niyang dibdib. Nilalaro ng mga dila nito ang kaniyang kulay rosas na n****e. Halos tumingkayad na siya sa sobrang sarap na kaniyang nadarama. Sarap na dulot ng pagnanasa ng kanilang katawan na animo'y sabik sa isa't isa. "Uuuhhmmmm... Aaaahhh..." patuloy niyang ungol ngunit biglang tumigil si Miguel sa ginagawa nitong pag romansa sa kaniya. "I'm sorry, Scarlet at nadala lamang ako sa aking emosyon," wika ni Miguel sa kaniya. Umalis ito sa pagkakadagan sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Tila binuhusan ng malamig na yelo si Scarlet. Dali-dali siyang bumangon at patakbong umalis palayo sa binata. Habang tumatakbo ay inaayos niya ang kaniyang kasuotan na halos mahubad na ni Miguel. "Ang tanga mo, Scarlet. Ang tanga-tanga mo!" galit niyang wika sa sarili habang umaagos ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Pumasok siya sa loob ng villa. Mabuti na lang at wala na siyang nadatnan doon na mga kaibigan. Marahil ay natutulog na ang mga ito. Dumiretso siya sa loob ng banyo at nag shower. Nais niyang bumalik ang kaniyang nawalang katinuan na natangay ng mga halik at halos ni Miguel. Umaasa siya na matulungan siya ng malamig na tubig. Si Miguel naman ay nakaupo pa rin sa tabing dagat. Hindi niya akalain na ang naisip niya na halik lang ay muntikan pang napunta sa pagiging isa ng kanilang katawan. "It's okay, Miguel," usal niya sa kaniyang sarili upang maiwasan niya ang makaramdam ng guilt. "Sa wakas, nasimulan mo na rin ang iyong plano," patuloy pa niya sabay silay ng mga ngiti sa kaniyang mga labi. Ngunit, bakit parang iba ang kasiyahan na nadarama ng kaniyang puso? Nasisiyahan ba siya dahil matagal na niyang pinanabikan na mahalikang muli ang mga mapang-akit at hugis pusong mga labi ng dating kasintahan? "Shut-up!" nais isigaw ng kaniyang isipan sa puso niyang muntik na ring makalimot sa sakit na idinulot ng pag-iwan sa kaniya ni Scarlet. "Don't be naive, Miguel! Alalahanin mo ang mga pinagdaanan mo noon. Hindi ka dapat makalimot at manatili ka sa iyong plano," saway niya sa kaniyang sarili. Halos ayaw ng patayin ni Scarlet ang shower. Ilang minuto na rin siyang naliligo. Nakailang beses na rin niyang sinabon ang katawan na akala mo'y napakarumi. "Hindi ko ito dapat hinayaang mangyari," wika niya sa kaniyang isipan. Ngunit, bakit ang kaniyang puso ay tila ba nagustuhan ang mga pangyayari? Na para bang pinanabikan niya at umaasa na sana hindi ito itinigil ni Miguel. "Huwag kang praning, Scarlet!" patuloy niyang usal sa sarili at sinampal sampal pa ang kaniyang mukha para matauhan. Nang mahimasmasan ay lumabas na rin siya sa banyo. Pagkatapos patuyuin ang buhok at magbihis ay nahiga na siya sa kaniyang kama. Nakita niyang masarap na ang tulog ni Erin. Ngunit tila napakahirap para sa kaniya ang dalawin ng antok. Kaya naisipan niyang bumaba upang uminom ng gatas. Pumasok na rin si Miguel sa loob ng villa. Nais niyang payapain ang puso at isipan na kanina ay magkaiba ng iniisip at kinikilos. Kaya naisipan niyang maligo. Aakyat na sana siya sa kaniyang kwarto ng mapansin niya na bukas pa ang ilaw sa kusina. Tiningnan niya kung sino ang naroon ngunit nagkagulatan pa sila ni Scarlet. Nagtama ang kanilang mga paningin. Naunang umiwas si Scarlet. Hindi niya kasi alam kung papaano haharapin ang binata. Napansin naman ito ni Miguel na parang balisa ang dalaga. Tumalikod na siya at umakyat sa kwarto na may nakasilay na nakakalokong ngiti sa mga labi. Pinili ni Scarlet na sa balkonahe na ubusin ang tinimpla niyang gatas. Naiisip niya kasi na baka makatulong din ang ihip ng hangin para siya ay dalawin ng antok. Ngunit hindi man lang ito tumalab sa kaniya. Patuloy pa rin ang pagpasok ng mga alaala nila ni Miguel noong mag kasintahan pa lamang sila. Matangkad nga ngunit payat ang katawan. Matangos ang ilong pero tigahiyawatin naman ang mukha. Ito si Miguel noon kaya palagi pa nga itong tinutukso ng mga kaklase. Pero hindi ito ang tiningnan niya sa binata. Maraming magagandang katangian ito na hindi nakikita ng iba. Si Miguel ang laging nasa tabi niya mula pa noong kabataan niya. Nang magkasakit ang kaniyang Lola hanggang sa namatay ito ay hindi rin siya iniwan ni Miguel. Kaya lalo niya itong minahal. Naging sandalan niya noong panahong mahina siya. Si Miguel din ang lalaking nirespeto ang kaniyang pagka babae. "Handa akong maghintay hanggang sa tayo ay maikasal," ang laging binabanggit sa kaniya ni Miguel pagkatapos nilang pagsaluhan ang napakatamis na mga halik. Ito pa nga ang mas nagpipigil upang walang mangyaring sekswal sa kanila. Sapat na kay Miguel ang kanilang yakapan at halikan. "Mahal mo ba ako?" lagi niyang tanong sa kasintahan sa tuwing tumitigil ito. "Sobrang mahal kita kaya ko ito ginagawa," sagot naman nito habang nakangiti. Mga ngiti na halos hindi na niya makita sa ngayon. Marahil kasama rin ito sa ipinagbago ni Miguel. "Scarlet, andito ka lang pala," wika ni Erin habang kinukusot pa ang mga mata. "Ay!" at nabitiwan niya ang hawak na baso ng pinag-inuman niya ng gatas. Bumagsak ito sa sahig at nabasag. Gulat na gulat si Scarlet kay Erin. Paano kasi, abala ang kaniyang isipan sa nakaraan nila ni Miguel kaya hindi niya ito namalayang nakalapit na pala sa kaniya. "Anong nangyayari sa iyo? Para kang nakakita ng multo ah?" pabirong tanong nito at kumuha na ng walis at dust pan. Naiinis naman si Scarlet sa sarili. Dinampot niya ang mga bubog sa sahig. "Ouch!" sabi niya. Nakita niyang dumurugo ang kaniyang kanang hintuturo. Nakita rin iyon ni Erin kaya dali-daling lumapit ito sa kaniya. "Ano bang iniisip mo ha?" naiinis nang tanong nito. "Bubog 'yan bakit mo naman dinampot? Kumuha na nga ako ng walis at dust pan." Patuloy nito habang hawak ang kamay niya at hinihila siya nito papasok. Patuloy pa rin ang pagdurugo ng kaniyang sugat. Ngunit pakiramdam niya ay mas masakit ang nararamdaman ng kaniyang puso. Pinaupo siya ni Erin at patakbo nitong tinungo ang kusina. Nandoon kasi ang medicine cabinet. "Please be careful naman," wika nito habang nililinis ang kaniyang sugat. Nilagyan niya rin ito ng gamot at benda. "I will!" mahina niyang sagot sa kaibigan. "Matutulog na ako, pakiwalis na lang ng mga bubog," wika pa niya rito. Umakyat na siya sa kanilang kwarto habang naiwan si Erin na nagtataka sa mga ikinikilos ng kaibigan. Pagkatapos nitong mag walis ay umakyat na rin ito. Nakahiga na siya ng pumasok si Erin. Ayaw niya munang kausapin ito kasi siguradong mangungulit lang ito sa pagtatanong sa kaniya. Kaya, nagpanggap siya na natutulog na. Nahalata naman ito ng kaibigan kaya hinayaan din siya nito at nahiga na rin. Samantala, pagkatapos maligo at magbihis ni Miguel ay nahiga na rin ito. Habang nakatitig sa kisame ay nakikita niya rito ang nangyari sa kanila ng dating kasintahan. "Walang nagbago sa mga halik mo, Scarlet," wika niya sa kaniyang sarili. Pailing-iling na nakangiti nalang siya habang iniisip ito. Magdamag naman na halos hindi makatulog si Scarlet. Napaka ilap sa kaniya ng antok. Marahil kasi ay iniisip pa rin niya ang mga pangyayari sa kanila ni Miguel sa tabing-dagat. Alas syete na ng magsibangon ang magkakaibigan. Halos napagod sila sa ginawa nilang water activities kaya napasarap ng tulog. "Ang bilis naman ng mga oras, ayoko pang mahiwalay sa inyo guys," malungkot na wika ni Tala. "Same here," tugon naman ni Grace. "Maybe we can leave after lunch, para 'di rin tayo abutan ng matinding traffic," ani Roxan. "Mas maigi pa. Atleast busog na tayo bago magsipag-uwian," sabi naman ni Greg. Dahil ilang oras nalang ang pag sasama nilang mag kaibigan sa ginawa nilang outing ay hindi na magkamayaw sa mga biruan at asaran. Napuno na naman ng mga halakhakan at tawanan ang buong resort. Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay nag pasiya pa silang maligo. Tamang-tama at 'di gaanong maaraw. Ngunit ninais ni Scarlet na huwag ng sumama. Nag dahilan na lamang siya na kumikirot ang kaniyang sugat. At kunwari ay nauunawaan naman siya ng mga ito. Alam nila na affected pa ito sa naging pag-uusap nila ni Miguel. "Erin, may problema ba si Scarlet?" tanong ni Grace habang patungo sila sa tubig. "I'm not sure eh, but I've noticed na parang may iniisip siya," sagot nito sabay kibit-balikat. "Let's just wait na mag open-up siya sa atin," saad naman ni Roxan. "Para kasing may nangyari sa kanilang 'di maganda ni Miguel kagabi. Tingnan niyo, halatang nag-iiwasan sila," sabi ni Tala. "Mas maigi nga iyang nakakapag-usap sila para matapos na ang isyu sa pagitan nilang dalawa. Mukha namang naka move-on na sila. Pareho na silang successful sa kani-kanilang mga career," pahayag naman ni Roxan. "I agree! Pero wish ko pa rin na magkabalikan sila lalo na at pareho naman silang single," kinikilig na Sabi ni Grace. "Who knows! Malay natin, kaya nagkakailangan eh, dahil meron pa silang feelings sa isa't isa," sang-ayon naman ni Erin sa mga ito. "Pustahan tayo, magkakabalikan iyang dalawa. Tingin ko pa lang may sparks pa rin sa pagitan nila," nakangiting wika ni Tala. Habang nasa dagat ang kaniyang mga kaibigan ay umakyat naman ng kwarto si Scarlet para mag impake ng kaniyang mga gamit. Hinihiling niya na sana ay hindi na siya kay Miguel sasabay. Hindi niya kasi alam kung paano ito haharapin. Mahihiya ba siya o magkukunwaring tila walang nangyari sa kanila? Alas onse pa lang ay kumain na sila ng tanghalian. Saglit lang din kasi ang ginawa nilang paglalangoy at biglang sumikat ng matindi ang araw. Nakapag impake na rin ang mga ito at nailagay na sa kanilang sasakyan ang mga gamit maliban kay Scarlet. "Scarlet, sa akin ka nalang uli sumabay," wika sa kaniya ni Miguel. "H-haa, aah-h, o-okay," nauutal pa niyang sagot dito. Nagkatinginan naman ang iba pa nilang kaibigan. Sa kanilang mga tinginan ay nagkakaunawaan na sila. Mahigpit na nagyakapan ang mag kakaibigan. Nangako na masusundan pa ang kanilang pagsasama habang nasa bakasyon si Scarlet. "Bye, guys! See you around," wika niya habang kumakaway pa siya sa mga ito. Nauna na kasi silang umalis ni Miguel. "Bye! Ingat!" tugon naman ng mga ito. Habang nasa loob nang sasakyan ay napaka tahimik nina Miguel at Scarlet. Walang gusto na magsalita sa kanila. Hanggang sa napadaan sila sa highway na sobrang traffic. "Pwede mo na pala akong ibaba sa iyong place then I can ride a taxi going to Sampaloc," wika niya kay Miguel habang nakatigil ang sasakyan nito sa traffic. Napatingin ito sa kaniya at umiwas naman siya ng tingin dito. "Ihahatid na kita," seryosong tugon ng binata. "Don't think too much about what happened yesterday," patuloy pa nito. "Okay!" maiksi niyang tugon. Wala na kasi siyang lakas na makipag talo pa rito. Dahil sa puyat kagabi ay nakatulog sa biyahe si Scarlet. Pagkakita ni Miguel ay inayos niya ang upuan nito para hindi ito mahirapan sa pagtulog. Kapag traffic ay tinititigan ni Miguel ang dating kasintahan. Pakiramdam niya kasi ay nagtatalo ang kaniyang puso't isipan. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili na humanga sa kagandahan nito. Ngunit ang kaniyang mapaghiganting puso ay nais ng maisakatuparan ang kaniyang matagal ng pinaplano, ang paibiging muli ang dating kasintahan. "You're still an angel in my eyes, Scarlet. But your looks can't deceive me anymore," pangiti-ngiti niyang sabi sa sarili habang sinusulyapan ang natutulog na dating kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD