Synopsis
Meet Scarlet de Vera, twenty-seven years old, maganda, matangkad, sexy at matalino kaya 'di kataka-taka na ang dating probinsiyana ay sikat ng modelo ngayon at naka-base na sa New York. Hindi man ito ang kaniyang pangarap ngunit ito ang naging kapalaran niya.
Dahil sa kaniyang kasikatan, nakuha siyang modelo ng Trends, isang kilalang clothing line dito sa Pilipinas. Matagal ng nais at plano ng dalaga na magbakasyon sa bansa pero hindi ito matuloy-tuloy dahil sa dami niyang work commitments. Finally, napagbigyan din ang kaniyang kahilingan kaya labis-labis ang pasasalamat niya sa natanggap na kontrata. Sobrang saya at excited na siya at sa wakas ay makakabalik na siya ng bansa pagkatapos ng anim na taong paninirahan abroad.
Ngunit ito pa rin kaya ang mararamdaman ni Scarlet kapag muling nagtagpo ang landas nila ni Miguel? Ang lalaking minsan ay naging laman ng kanyang puso't isipan. Ang taong pinangakuan niya ng salitang kasal at mamahalin ng habambuhay.
Paano kaya haharapin ni Scarlet ang masasakit na titig ng mga mata ni Miguel at mapanuyang mga ngiti nito? Kakayanin niya kaya na makasama ito sa trabaho? At magagawa kaya niyang tuluyan ng kalimutan ang kanilang nakaraan o mahuhulog siya sa patibong ng mapaghiganting puso ng dating kasintahan?