Hi! I'm Oddeza06. I'm just starting out as writer and I hope you will like my story. I would like to write about different types of love/romance story and hopefully I can write about other genres, soon. I hope you will support me and my stories as well. Thank you!
Blurb
Nagtungo sa Isla El Cielo si Hazel para magbakasyon. Akala niya ay magagamot ng mala-paraisong Isla ang kalungkutan na kaniyang nararamdaman. Isang taon na kasi ang nakalipas nang malaman niya na ginamit lang siya ng kasintahang si Jake. Ang akala pa naman niya ay sa kasalan na hahantong ang kanilang pagmamahalan. Iyon pala kung gaano kabilis na naging sila ay gano'n din kabilis itong natapos.
Muling bumalik ang sakit na kaniyang naramdaman nang magkrus ang landas nila sa Isla. Nagpursigi si Jake na makausap siya at ipinaliwanag nito sa kaniya ang totoong nangyari. Dahil sa mahal pa niya ito ay pinili niyang kalimutan na ang nakaraan at nagsimula silang muli.
Ngunit muling gumuho ang mundo ni Hazel nang isang araw ay may nagpakita sa kaniya na buntis na babae. Nagpakilala itong ex-wife ni Jake at sinabi nitong ang kasintahan niya ang ama ng ipinagbubuntis nito.
Mabibigyan pa kaya niya ng pangatlong pagkakataon si Jake gayong puno ng lihim ang pagkatao nito? Paano na lang kung sa muling pag-iwas niya rito ay malalaman niya na nagdadalantao rin siya? Aaminin niya kaya o ililihim din niya?
Bente uno anyos lamang si Amber nang makipagtanan sa boyfriend at kaklase niyang si Darwin. Pilit kasi silang pinaghihiwalay ng kaniyang mga magulang dahil sa pagiging mahirap ng kasintahan. Nagpakasal sila at namuhay si Amber sa kung ano ang kayang ibigay sa kaniya ng asawa. Kinalimutan niya ang karangyaan at pilit na nakibagay sa mundo ni Darwin. Ngunit ang hindi inaasahan ni Amber ay ang pagdating ng mga pagsubok sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Bigla na lamang nagbago si Darwin. Naging lasenggero, nambababae at nananakit pa. Ibang-iba na ito sa Darwin na kaniyang pinakasalan. Dagdag kalbaryo rin sa kaniya ang sugarol, lasenggera at bungangerang biyenan. Maging ang batugang kapatid ni Darwin.
Hanggang kailan niya kaya mapanindigan ang kanilang sinumpaan nang sila'y ikinasal?
Hanggang saan kaya aabot ang kaniyang pagtitiis?
Aasa pa kaya siya na darating ang panahon na babalik din ang lahat sa dati?
Maganda, masayahin ngunit happy-go-lucky. Ganiyan si Cassandra Rivera. Panganay sa apat na magkakapatid ngunit walang alam sa buhay. Tumigil siya sa pag-aaral at inuna ang barkada. Isang malagim na pangyayari ang babago sa ikot ng kaniyang mundo. Sabay na namatay ang kaniyang magulang sa isang aksidente.
Paano niya kaya haharapin ang bigat ng responsibilidad na nakapatong sa kaniyang mga balikat? Lalo na at siya ang sinisisi sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Sisilay kayang muli ang mga ngiti sa kaniyang mga labi? Paano kung sa paghahanap niya ng kanilang kapalaran ay mapadpad sila sa isang Isla na para lamang sa mga Alta? Kakayanin niya kaya ang hamon ng buhay roon?
Tunghayan ang buhay ni Cassandra sa unang kuwento na handog ng Isla El Cielo Series.
Hindi lang maganda, sexy, mayaman at magaling na Cardiologist si Bianca Marchetti kundi siya rin ang itinatago at kaisa-isang anak ng Mafia Lord. Malaking lihim kay Bianca ang tunay niyang pagkatao. Bago pa man siya isilang ay inilayo na siya ng ama upang makapamuhay siya ng normal at maitago sa mga kaaway nito. Ngunit sadyang walang lihim na maitatago ng habambuhay. Nang mapatay ang ama ay nalaman ni Bianca ang lahat ng sekreto ng kaniyang pagkatao at pamilya.
Para makapaghiganti sa pumatay sa kaniyang ama ay pinili ni Bianca ang maging bahagi ng Mafia. Kaya mula sa pagiging Doctor na sumasagip ng buhay ay wala na siyang awa kung pumatay.
Ano na lamang ang kaniyang gagawin kapag nalaman niya na ang pumatay pala sa kaniyang ama ay ang ama rin ng lalaking minamahal?
Paano niya maisasagawa ang paghihiganti gayong sa mga tingin pa lamang nito ay may hatid ng kilig sa kaniyang puso?
Alin ang pipiliin niya, HUSTISYA o PAG-IBIG?
⚠️WARNING! R-18‼️MATURE CONTENT‼️
Anne Marie Hernandez, maganda, sexy, matalino at nag-iisang tagapagmana ng kanilang kompaniya. Marami ang nagsasabi na nasa kaniya na ang lahat - kagandahan at kayamanan. Lalo nang mapangasawa niya si Renzo Villar - isang mala-adonis na lalake at isang CEO.
Love at first sight ang naramdaman ni Anne Marie kay Renzo kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kaagad siyang nagpakita ng motibo sa binata at sinunggaban naman iyon ni Renzo.
Ipinakasal sila makalipas lamang ang ilang buwan na relasyon. Pakiramdam ni Anne Marie ay palagi siyang nakalutang sa alapaap sa kaligayahang nadarama niya sa piling ni Renzo.
Ngunit ang mala-fairy tale niyang buhay ay biglang nagbago lalo nang namatay ang kaniyang mga magulang. Lumabas ang tunay na ugali ni Renzo. Itinapon siya nito na parang basura pagkatapos makuha ang lahat ng kayamanan na meron siya. Namuhay sa kalye na parang palaboy si Anne Marie. Hanggang sa may mabuting puso na kumupkop sa kaniya. Nagsimula siyang muli at bumangon mula sa pagkakalugmok.
Paano na lamang kung sa kaniyang pagbabalik ay malaman niyang itinuring na siyang patay ng kaniyang asawa dahil muli itong nagpakasal sa iba?
Paano niya ipapakipaglaban ang kaniyang karapatan? Hanggang saan kaya aabot ang paghihiganti niya bilang legal na asawa?
Matutuhan niya kayang magpatawad sa lahat ng taong nanakit sa kaniya?
"Education is the most powerful weapon which you can use to change the world." Ito ang kasabihan ni Nelson Mandela na nakaukit sa isipan ni Miranda Gomez, isang abogada. Ipinanganak na salat sa karangyaan pero nabiyayaan ng kagandahan at katalinuhan. Ang hangad lang naman niya ay makapagtapos ng pag-aaral para maiangat ang kanilang buhay. Para naman sa mga magulang niya ang mahalaga lang ay ang magtrabaho at kumayod para mabuhay.
Ngunit, gagawin ni Miranda ang lahat upang makamit ang kaniyang hinahangad sa buhay. Maging ang kapalit man nito ay ang pag-iwan niya sa kaniyang pamilya at ang pagbenta ng kaniyang dangal.
Magtatagpo ang landas nila ni Nicholas Del Gallego, isang lalaking guwapo, mayaman at tagapagmana na wala ng ibang ginawa kundi ang magwaldas ng pera. Sa loob lang ng isang gabi ay mabubuo ang isang alaala na pareho nilang hindi malilimutan. Isang gabi na siyang magpapabago sa kanilang mga kapalaran at magpapahirap sa kanilang mga kalooban.
Hanggang saan kaya dadalhin si Miranda ng kaniyang mga pangarap? Paano kaya kung paglalaruan ng tadhana ang kanilang mga kapalaran? Sa kanilang muling pagkikita, gugustuhin kaya nilang kalimutan ang nakaraan o babalikan nila ang isang gabi na kanilang pinagsaluhan?
Mariz Del Cielo, thirty-nine, single, beautiful, and successful but NBSB. Yes, hindi pa niya nararanasan ang magkaroon ng karelasyon o kahit mahalikan man lang.
Pinili niya na mag-celebrate ng kaniyang 40th birthday sa isang Isla kung saan pupukawin ang kaniyang kuryosidad sa gawang sekswal.
Hanggang pantasya na lang kaya siya o susubukan niya itong gawin mag-isa? Paano kung sa pagsubok niya sa kaniyang sarili ay mahuhuli siya ng isang estranghero na may pantasya rin naman pala sa kaniya? Susubukan kaya nila pareho ang isang bagay na hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan? Ano na lang kaya ang kaniyang mararamdaman kapag nalalaman niya na ang lalaking pumukaw ng kaniyang kamunduhan ay mas bata pa sa kaniya ng 11 years? Tatanggapin niya kaya ito o kakalimutan niya ang kanilang nakaraan.
Abangan niyo ang story nina Mariz at Travis dito sa Cougar Series Collaboration.
Scarlet and Miguel are childhood sweethearts. Nagsumpaan na magpapakasal kapag nakaipon na ng sapat. Ngunit, paano kung ang isa sa kanila ay hindi tumupad sa kanilang sinumpaan? Mananatili kaya ang pagmamahal na nararamdaman o mapapalitan na ito ng poot? Paano kung sa isang pagkakataon ay muling magtagpo ang kanilang mga landas? Hahayaan kaya nilang bumalik ang dating init ng kanilang pagmamahalan o maghahari na ang mapaghiganting puso ng isang nasaktan?