bc

The Unforgiving Wife

book_age18+
4.2K
FOLLOW
41.7K
READ
revenge
heir/heiress
drama
bxg
brilliant
office/work place
abuse
love at the first sight
wife
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

⚠️WARNING! R-18‼️MATURE CONTENT‼️

Anne Marie Hernandez, maganda, sexy, matalino at nag-iisang tagapagmana ng kanilang kompaniya. Marami ang nagsasabi na nasa kaniya na ang lahat - kagandahan at kayamanan. Lalo nang mapangasawa niya si Renzo Villar - isang mala-adonis na lalake at isang CEO.

Love at first sight ang naramdaman ni Anne Marie kay Renzo kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kaagad siyang nagpakita ng motibo sa binata at sinunggaban naman iyon ni Renzo.

Ipinakasal sila makalipas lamang ang ilang buwan na relasyon. Pakiramdam ni Anne Marie ay palagi siyang nakalutang sa alapaap sa kaligayahang nadarama niya sa piling ni Renzo.

Ngunit ang mala-fairy tale niyang buhay ay biglang nagbago lalo nang namatay ang kaniyang mga magulang. Lumabas ang tunay na ugali ni Renzo. Itinapon siya nito na parang basura pagkatapos makuha ang lahat ng kayamanan na meron siya. Namuhay sa kalye na parang palaboy si Anne Marie. Hanggang sa may mabuting puso na kumupkop sa kaniya. Nagsimula siyang muli at bumangon mula sa pagkakalugmok.

Paano na lamang kung sa kaniyang pagbabalik ay malaman niyang itinuring na siyang patay ng kaniyang asawa dahil muli itong nagpakasal sa iba?

Paano niya ipapakipaglaban ang kaniyang karapatan? Hanggang saan kaya aabot ang paghihiganti niya bilang legal na asawa?

Matutuhan niya kayang magpatawad sa lahat ng taong nanakit sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: I'm Back Home (Anne Marie)
"Ladies ang Gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the fasten seat belt sign." Napadilat ako ng aking mga mata nang marinig ang anunsiyo ng flight attendant sa eroplano na aking sinasakyan. Ininat ko ang aking katawan dahil sa haba ng naging biyahe ko mula San Francisco, California kung saan ako tumira sa loob ng limang taon habang nag-aaral ng kolehiyo. Bigla ko tuloy naalala kung paano ko nakumbinsi si Daddy na payagan niya ako na sa States mag-aral. "Anak, ang daming business schools dito sa Pilipinas na magagaling din sa pagtuturo. Bakit kailangan pa na sa America ka mag-aral?" tanong sa akin ni Daddy nang sabihin ko sa kaniya ang aking plano. Kaka-debut ko lang noon at nasa Grade twelve na ako. Kasalukuyan kaming nasa sala ng aming mansiyon. "It's my dream, Dad. Please, payagan niyo na po ako. Saka makakatulong din po iyon kapag magtatrabaho na rin ako sa kompaniya," todo pakiusap ko kay Daddy. Napaupo si Daddy sabay hinga ng malalim. Tahimik namang nakikinig si Mommy sa aming usapan. Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya? Napaka-supportive niya kay Daddy. At kapag pumayag si Daddy ay papayag na rin siya. Kaya masaya ako na iisa lang ang aking kukumbinsihin. "Hindi iyon ang punto ko, anak. Five years kang mamamalagi sa America at napakalayo no'n. Sa tingin mo kakayanin naming mapalayo ka sa amin?" Malungkot ang boses ni Daddy. Hindi ko siya masisisi dahil nga sa nag-iisang anak lang ako at kailan man ay hindi pa ako napapalayo sa kanila. "I know, Dad! But I can still visit you during vacation or pwede niyo naman po akong puntahan ni Mommy anytime niyo gusto," pangungumbinsi ko pa kay Daddy. "Pero, anak ____" Hindi na nito tinapos pa ang nais sabihin at tinitigan na lamang ako. Ginamit ko naman ang natutuhan ko sa aming drama club. "Nathalie will be studying in Italy. At ako naman dito lang," malungkot kong sabi na halos paiyak na. Ang tinutukoy ko ay ang aking best friend na merong wine business ang pamilya. Tuluyan ko ng pinalabas ang aking mga luha. "Honey, please!" Sa wakas narinig ko rin ang boses ni Mommy. Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. Sigurado kasi akong papayag na si Daddy gayong dalawa na kami ni Mommy ang kukumbinsi sa kaniya. "Bueno, may magagawa pa ba ako kung ganiyang buo na ang isipan mo?" tanong sa akin ni Daddy na labis kong ikinatuwa. "But I want to make a deal with you." dagdag pa nito. Mabilis kong pinahid ang luha sa aking mga mata at sumilay ang napakatamis kong ngiti. Wala na tuloy akong pakialam sa kung ano mang deal ang nais ni Daddy. "What is it, Dad? Anything you want po basta papayagan niyo lamang po ako." "Sa States ka mag-aaral ngunit pagpasok mo sa kompaniya ay magsisimula ka sa mababang posisyon." "Deal!" mabilis kong tugon. Alam ko kasi sa aking sarili na magbabago rin ang mga salitang iyon ni Daddy sa loob ng limang taon. Impossible naman kasing gawin niya akong janitres sa aming Construction Company gayong nag-iisa lamang nila akong anak. "Ladies and Gentlemen, we will be using stairs for deplaning today. Please watch your steps." Muli kong narinig na announcement na siyang nagpatigil sa aking pagbabalik-tanaw. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo at pasado alas otso na iyon ng gabi. Dinampot ko ang aking mamahaling bag na binili ko pa sa isang shop sa Beverly Hills. After graduation kasi ay binigyan pa ako ni Daddy ng two months para mag-enjoy. "This is it!" bulalas ko nang pababa na ako ng eroplano. Two years ago ang huling uwi ko sa Pilipinas. Naging busy na kasi ako sa dalawang taon ko sa koliheyo kaya sina Mommy at Daddy na lamang ang dumadalaw sa akin. Pagkarating ko sa terminal ay nagtungo na ako sa baggage area para hintayin ang aking maleta. "Miss Hernandez?" Napalingon ako nang marinig ko na tawag sa aking apelyedo. Nakita ko ang isang lalake na nakabarong at nakasuot ng salamin. Ibinaba ko naman ang suot kong mamahaling shades. Ngumiti ito at kumaway habang papalapit sa akin. "Atty. Zapanta, hi!" nakangiti kong bati sa Personal Assistant ni Daddy. "Welcome back, Miss Anne Marie!" tugon niya sa akin at nakipagkamay ito. Iniabot ko naman ang aking kanang kamay. Matagal ng nagtatrabaho si Atty. Zapanta sa aming kompaniya. Nakitaan ito ni Daddy ng potensiyal kaya pinapag-aral niya ito hanggang maging ganap na abogado at lubos na pinagkatiwalaan kaya magaan din ang loob ko sa kaniya. "Thank you! Did Daddy asked you to pick me up?" tanong ko kahit na obvious naman. "Yes, Ma'am! Ako na ho ang kukuha at magdadala ng maleta niyo," sabi nito nang akma kong kukunin ang aking maleta sa conveyor. "Cool! Mabuti naman at pinayagan kang makapasok dito sa airport," may pagka-sarkastiko kong sabi sa kaniya. Hindi ko kasi inaasahan na roon niya ako aabangan. "Alam niyo naman ho ang koneksiyon ng Daddy niyo. Gusto niya lang na komportable kayong makauwi," sagot niya sa akin saka dinampot na ang aking maleta. "Thank you again, Attorney." Tahimik lang kami na naglakad hanggang sa marating namin ang parking area kung saan naroon ang SUV ng aming pamilya. Nauna na akong sumakay habang inilalagay nito ang aking maleta sa likuran. "Gusto niyo po ba ng music, Ma'am?" tanong niya sa akin nang ini-start na nito ang sasakyan. "Sure!" Tuluyan ko ng tinanggal ang suot kong shades at inilagay iyon sa aking bag. Saka ko ipinikit ang aking mga mata habang tahimik na sinasabayan sa aking isipan ang kanta sa car sterio. Hindi gaanong ma-traffic nang mga oras na iyon kaya wala pang isang oras ay narating na namin ang Meadows Executive Subdivision sa Makati kung saan naroon ang aming mansiyon. Nakaramdam ako ng excitement kahit dalawang buwan ko pa lang na hindi nakikita sina Mommy at Daddy. "Andito na ho tayo, Ma'am," sabi sa akin ni Atty. Zapanta. Hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako ng pinto at kusa ko na iyong ginawa. Kung tutuusin ay hindi na ako sanay na pinagsisilbihan dahil sa naging independent na ako nang mamalagi sa America. Tinanggihan ko ang alok ni Mommy na papadalhan ako ng kasambahay. Kaya ko nga pinili na mag-aral sa America para matuto ng kumilos na mag-isa at maging malaya bago ko pa ibuhos ang aking panahon sa pagtatrabaho sa kompaniya. "Welcome home, anak!" masayang bati ni Mommy sabay yakap at halik sa akin. "Thank you, Mom! I miss you so much!" tugon ko habang mahigpit kaming magkayakap. Where's Dad?" tanong ko naman sa kaniya nang maghiwalay na kami. Nagtataka kasi ako kung bakit wala ito gayong gabi na. "Ano pa nga ba, eh 'di nasa opisina pa. You know your Dad. Halos ayaw ng tumigil sa pagtatrabaho kaya nga masayang-masaya ako kapag dinadalaw ka namin sa America," maktol ni Mommy habang magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob ng bahay. "What's our food, Mom?" Hindi ko mapigilan ang sarili na tanungin si Mommy dahil sa nakakaramdam na ako ng gutom. Hindi kasi ako gaanong kumain sa loob ng eroplano at mas pinili ko pa ang magbasa at matulog. "Of course, your favorite. Chicken Adobo!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Mommy. Mabilis kong tinanggal ang suot kong high heel shoes at inilapag ko sa couch ang aking bag at patakbong nagtungo sa dining area. "This is home!" bulalas ko habang nakapikit at inaamoy ang aroma ng adobong manok. "Wash your hands first," paalala sa akin ni Mommy nang uupo na sana ako. Kunwaring pinahaba ko ang aking nguso saka nagtungo sa kusina. Tawag-tawa naman si Mommy sa aking naging pagkilos. "You never changed, anak. It's still you!" ani Mommy pagkabalik ko sa hapag-kainan. "Of course! I'm still the gorgeous Anne Marie Hernandez!" Nag-pose pa ako na parang model bago tuluyan ng umupo. Hindi naman matigil sa kakatawa si Mommy sa mga pinaggagawa ko. Sa totoo lang, sobrang na-miss ko ang masayahing mukha ni Mommy. Kaya kapag nakakaramdam ako ng lungkot ay kaagad ko siyang tinatawagan. Napakaswerte ko nga dahil lahat na ata ng kabaitan ay na kay Mommy na. "Enjoy the food, anak. But eat slowly, okay? Baka mamaya eh, hindi ka matunawan," paala-ala niya sa akin. Nginitian ko na lamang si Mommy. Hindi na ako makapagsalita at puno na kasi ng pagkain ang aking bibig. "Diet, diet, diet." Paulit-uli kong sabi sa aking isipan ngunit hindi ko iyon pinansin. Mas sinunod ko ang nais ng aking bibig at bituka. Naisip ko na babawi na lang ako sa pag-exercise. "Tinatanong ka nga pala ni Nathalie sa akin noong isang araw. Napadaan ako sa kanilang wine store at nandoon siya." Napatigil ako sa pagnguya nang marinig ko ang sinabi ni Mommy at uminom ako ng tubig. "So, andito na po pala siya?" "Oo at balita ko eh, nagpatayo siya ng bar. Dalawin mo na lamang siya kapag wala ka ng jet lag. Nami-miss ka na rin ng kaibigan mo." "I will, Mom." Simula nang magkolehiyo na kami abroad ay hindi na kami madalas nagkakausap ni Nathalie. Natuloy kasi ang pag-aaral niya sa Italy samantalang ako ay naging abala rin sa aking buhay sa America. "She's the only friend that I have," usal ko sa aking isipan. Naging magkaklase kami simula Elementary hanggang High School. Nasa Preston Subdivision siya nakatira na katabi lamang ng aming subdivision. Kaagad na nag-click ang aming personality. Pareho kaming masayahin at kikay. Dati ay fashion designer ang nais naming kuning kurso ngunit dahil sa negosyo ng aming mga magulang ay nagbago iyon. Ako lang ang hindi napilit ni Daddy na mag-engineer. "Magpahinga ka na pagkatapos mong kumain. Bukas na tayo magkwentuhan, ha?" sabi sa akin ni Mommy. "Hihintayin ko na lang po muna si Daddy, Mom." "Huwag na, anak. Hindi natin alam kung anong oras na 'yon makakauwi. Bukas gumising ka ng maaga para maabutan mo siya sa breakfast. Saka palagi rin kayong magkakasama ng Daddy mo kapag pumasok ka na sa kompaniya," ani Mommy sabay kindat sa akin. "Well, you have a point, Mom. Dagdagan ko po muna ang pagka-miss ko kay Dad," natatawa kong sabi sa kaniya. Tumayo na ako at muling lumapit kay Mommy saka hinalikan siya sa noo. "Goodnight, Mom!" "Goodnight! Sleep well!" "Heto po ang tsinelas niyo, Ma'am Anne," sabi sa akin ng aming kasambahay na halos kaedaran ko lang. "Thank you!" Hindi ko na naitanong ang kaniyang pangalan at umakyat na ako sa hagdan. Pagkapasok ko sa aking kuwarto ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Malaki na rin ang nabago sa silid kong iyon na ibinilin kong ipa-renovate bago ako umuwi. Ako pa ang nag-design at nasunod naman ang lahat ng aking gusto. Nakita kong nasa gilid ng aking kama ang dala kong maleta maging ang bag at sapatos ko. "I'm so tired! I'll just take a shower and sleep." Isinara ko ang pintuan at naghubad na ako ng saplot sa katawan. Kinuha ko ang roba na kulay pula at isinuot iyon bago ako nagtungo sa aking banyo. Muli akong namangha sa aking all white bathroom. "It's so classy and clean!" Tinanggal ko ang suot na roba at isinabit iyon sa lagayan na naroon. Saka ako tumapat sa shower. Napahiyaw pa ako ng kaunti nang maramdaman ko ang lamig ng tubig. "I forgot to turn on the heater." Nang ma-on ko na ang heater ay nakaramdam na ako ng ginhawa. Matagal akong naligo na siyang madalas ko namang gawin. Nakalimang beses na akong nagsabon ng katawan bago ko napagpasyahang tapusin na ang paliligo ko. Pagkalabas ko ng banyo ay nagtungo ako sa aking walk-in closet na katabi lang din ng banyo. Mabuti na lamang at naipadala ko ng advance ang aking mga damit kaya puno na iyon ng mga pinamili ko sa America. Kumuha ako ng ternong pajama na kulay pink at iyon ang aking isinuot. "Maalaala pa kaya ni Dad ang naging deal namin?" tanong ko sa aking sarili habang nagbo-blower ako ng buhok. "Sana naman ay hindi masayang lahat ng pinag-aralan ko sa America. Aba, hindi ako nagbulakbol do'n kahit na puwede ko namang gawin. Dean's lister pa nga ako ng maka-graduate." Nagpasya akong 'wag na munang isipan ang mga bagay na iyon at hintayin na lamang ang sasabihin ni Daddy. Ngunit umaasa pa rin ako na magbabago iyon. Nahiga na ako sa aking queen size bed. "This is heaven!" bulalas ko nang lumapat ang aking likod sa malambot na kama. Dahil na rin sa naging haba ng aking biyahe ay kaagad akong dinalaw ng antok. Talent ko na talaga ang pabilisan sa pagtulog. Madalas nga akong purihin ng mga kaklase ko sa States. Masandal lang ako ay hilik na ang kasunod. "Well. It's me, Anne Marie!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook