Prologue
"Hi! Thanks for following me back."
Napatalon ako sa kilig nang mabasa ko ang message sa akin ni Jake na matalik na kaibigan ni Sir Nicholas na siyang anak ng boss ko. Nakita ko kasi na nag-follow siya sa aking fotogram kaya gano'n din ang ginawa ko sa kaniya.
"Ano kayang isasagot ko sa kaniya?"
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagta-type. Naisip ko na kailangan mabilis akong mag-reply para hindi halata na masyado akong nag-iisip ng sasabihin ko.
"Hello! Thanks for following me, also."
Napatakbo ako sa CR pagkatapos kong mai-send ang aking reply.
"Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit para akong teenager kung umasta?"
Madaling-araw na iyon dahil sa nag-overtime ako sa trabaho. Dati ko ng nakita ang itsura ni Jake dahil ibinigay ni Sir Nicholas ang FG account niya sa akin noong dito pa siya sa apartment nakatira. Sa totoo lang ang guwapo ni Jake. Mestiso ito at kung titingnan ay para itong isang modelo. Napabuga tuloy ako ng hangin habang naghuhugas ng aking hiyas.
"Sh*t! Para akong lalabasan habang iniisip ko kung gaano siya kaguwapo."
Mabilis akong lumabas ng cr nang marinig ko uli ang pagtunog ng aking cellphone. Kaagad kong tiningnan iyon at hindi nga ako nagkakamali. Si Jake ang nag-message sa akin.
"Bakit gising ka pa?"
"Kakauwi ko lang from the office. OT ako. Ikaw, why did you follow me?"
Bigla kong nailapag ang aking cellphone sa mesa nang muli kong basahin ang aking ini-reply.
"Bakit gano'n naman ang naging tanong ko? Para kasing may ini-expect akong sagot galing sa kaniya. Hazel, what's wrong with you?" tanong ko sa aking sarili.
Mabuti na lamang at mag-isa lang ako sa apartment dahil kung hindi ay mapapagkamalan akong nababaliw na.
"Tigang ka na kasi kaya ganiyan ka mag-isip," sabi ng aking isipan na kaagad kong sinang-ayunan.
Apat na taon na mula ang huli kong pakikipagrelasyon. Apat na taon na ang nakalipas mula ng malaman ko na niloloko lang pala ako ni Norman. Akala ko pa naman siya na ang forever ko iyon pala isang malaking kasinungalingan lang ang lahat. Nalaman ko na nagpakasal na siya sa iba. Isa kasing sundalo si Norman at nadestino sa Mindanao kung saan nakilala ang babaeng pinakasalan niya. Mula noon ay kinalimutan ko na ang pakikipagrelasyon at nag-focus na lamang ako sa aking trabaho.
Ngunit nang makita ko ang larawan ni Jake ay nag-iba ang lahat. Na para bang muling tumibok ang natutulog kong puso.
"Miss masipag!"
Napangiti ako nang mabasa ko ang reply ni Jake sa akin. Hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili at nag-enjoy na ako sa pakikipag-chat sa kaniya.
"Hindi naman! Hindi lang makatakas sa boss ko."
"'Yon lang!" reply niya sabay happy emoji.
"Nasa America ka rin ba?"
Kahit alam kong nasa America siya ay tinanong ko pa rin. Wala na kasi akong maisip na sasabihin.
"Oo, I have a business here but I'm planning to come back home to put up a business in Manila."
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niyang may plano siyang bumalik ng Pilipinas.
"Good for you!"
"Thanks! Are you going to sleep now?"
"Ano ba, bakit tinanong niya kaagad kung matutulog na ako? Kainis! Gusto ko pa sana siyang makausap. Pero kailangan kong magpigil at baka isipin niya na easy to get ako," sabi ko sa aking sarili.
"Yeah! I'm a bit sleepy na need ko pang pumasok ng nine am."
"Okay! Take your time and see you around."
"Okay!"
Pabagsak kong inilapag ang aking cellphone sa mesa. Tumayo ako at nagtimpla ng gatas dahil alam kong mahihirapan akong makatulog.
Habang nasa trabaho ako ay pilit kong tinatanggal sa aking isipan si Jake. Marami kasi akong kailangang tapusin na trabaho at holiday kinabukasan. Kahit pagod na kaming lahat sa opisina ay napilitan pa kaming mag-overtime dahil sa may hinahabol kaming deadline.
Pauwi na kami nang biglang tumunog ang aking cellphone at mabilis kong tiningnan iyon.
"I'm at the airport right now!"
Sandali akong natuliro nang mabasa ko ang message ni Jake. Napansin naman ako ni Miss Faye na Manager namin.
"Is there any problem?" tanong niya sa akin.
"W-wala naman po, Miss Faye. May nabasa lang kasi ako na something," pagsisinungaling ko sa kaniya.
Sumabay na ako kay Miss Faye pauwi. Ibinaba niya na lamang ako sa kanto malapit sa inuupahan kong apartment. Habang naglalakad ako ay muli kong tiningnan ang aking cellphone. Wala ng bagong message si Jake.
"Baka binibiro niya lang ako. Pero, paano kung nasa loob na siya ng eroplano? Ay Ewan!"
Pagkapasok ko sa loob ng apartment ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Nakaramdam kasi ako ng matinding uhaw dahil nga sa naglakad ako sabayan pa ng pag-iisip ko tungkol kay Jake.
"Can you pick me up at the airport tomorrow? I will be glad if you say yes."
"Oh, no! Anong gagawin ko? Susunduin ko ba siya o magdadahilan ako?" tanong ko sa aking sarili habang binabasa ang panibagong message sa akin ni Jake. "Hindi nga siya nagbibiro. Totoong nasa Airport siya."
Naisip ko na magdahilan na may pasok ako pero naalala ko na holiday bukas at siguradong alam din iyon ni Jake. Umakyat ako sa aking kuwarto. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.
"Ang laki ng eyebag ko. Paano ba ito? Saka may tumutubo pang pimple sa baba ko. Bakit ngayon pa siya dumating kong kelan mukhang haggard ako?"
Binuksan ko ang aking closet. Isa-isa kong kinuha ang mga naka-hanger na damit at itinapat iyon sa aking katawan habang nakatingin sa salamin.
"Kahit damit ko malaking problema. Bakit ba kasi ang pangit ng mga pinamili ko? Wala man lang bagay sa akin."
Naiihi na ako sa stress kaya bumaba ako para magtungo sa cr. Saktong nakasalubong ko sa hagdan ang pinsan ko na si Gail na siyang bago kong kasama sa apartment simula ng umalis si Mira.
"Gail, I need your help. Wait for me at iihi lang ako," natatarantang sabi ko sa kaniya.
"Anong problema mo?" nagtatakang tanong nito sa akin.
Hindi ko na siya sinagot at nagmamadali akong nagtungo sa cr. Naglinis na rin ako ng aking katawan. Naisip ko na magpatulong kay Gail dahil sa fashionista ito.
"Anong nangyari rito?" tanong ni Gail sa akin habang hawak ang mga damit ko na nakakalat sa sahig.
"Naghahanap kasi ako ng maisusuot bukas. Tingnan mo naman ang mga damit ko. Ang papangit! Baka pwedeng manghiram ako sa'yo?"
"May date ka bukas, ano?"
"Wala! Basta, pahiram na lang ng damit mo na kasya sa akin," sabi ko na kunwari ay naiinis.
"Ay sus, kunwari ka pa, Ate Hazel. Okay lang na makipag-date ka at matanda ka na. Ang tagal mo na kayang walang jowa," pang-aasar pa nito sa akin.
"Ewan ko sa'yo!"
"Hindi pangit ang mga damit mo. Hindi ka lang marunong mag-mix and match. Akin na iyang black na spagetti strap dress mo saka denim jacket. Iyan ang isuot mo bukas tapos sling bag at white sneakers. Try it then thank me later," sabi niya sabay kindat sa akin at lumabas na siya ng aking kuwarto.
Sinunod ko ang sinabi ni Gail at natuwa naman ako sa kinalabasan.
"Bakit ko ba pinoproblema ang susuotin ko eh, hindi pa naman ako pumapayag na susunduin ko siya? Hmmm... Makatulog na nga."
Pasado alas dose na ng hatinggabi ay gising pa rin ako. Hindi ako makatulog sa kakaisip kay Jake.
"Kainis ka talaga, Jake! Hindi ka ba napapagod kakatakbo sa isipan ko?"
Kinabukasan ay sumabay na ako kay Gail para makatipid sa pamasahe. Hindi ko tuloy naalala na nakalimutan ko pala ang aking wallet dahil ito na ang nagbayad ng taxi. Tanghali na nang lumanding ang sinasakyang eroplano ni Jake. Panay ang tingin ko sa kaniyang picture na pinadala niya sa akin habang inisa-isa kong tinitingnan ang mga pasahero.
"Siya na 'yon. Jake!" tawag ko sa pangalan niya.
Lumingon naman ito at todo ang ngiti ko habang kumakaway. Ngumiti rin ito at lumapit sa akin habang nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
"I'm Jake Zobel! Nice meeting you, Hazel."
"Hi, I'm Hazel Villa."
Nagkamayan kaming dalawa at iniyuko ko pa ng bahagya ang aking ulo dahil nakaramdam ako ng kaunting hiya. Hindi kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya.
"Grabe, ang guwapo niya! Para siyang isang modelo na nakikita ko lang sa mga magazines. Ang kaniyang mga ngipin ang puputi saka pantay-pantay pa. Kamukha pa niya ang idol ko na si Chris Evans," sabi ko sa aking isipan.
Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa aking panty sa sobrang kilig ngunit pinigilan ko ng husto ang aking sarili.
"Thank you for picking me up, Hazel. You're prettier in person than your photos," sabi niya sa akin habang todo pa rin ang ngiti.
Bahagyang itinaas ko ang isang kilay nang marinig ang sinabi niya.
"I'm sorry if I offended you! It's not what I mean. Masyado lang kasi akong prangka, you know western culture," todo paliwanag na sabi niya sa akin kahit na wala naman akong sinasabi.
"Hindi naman! Talagang iyan din ang sinasabi ng mga nakakakita sa akin," mataray kong sabi sa kaniya.
"Talaga ba? Well, 'di mo kami masisisi. You're really so cute."
Bigla na namang sumikdo ang aking dibdib. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti ay umiiba ang aking pakiramdam.
"Shall we go?"
Tumango lamang ako ngunit nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat nang hawakan niya ang aking kanang kamay.
"Gosh! Para tuloy kaming magkasintahan," sabi ko sa aking isipan.
"He's so handsome!" narinig kong sabi ng isang babae na nakasalubong namin.
Lumingon ako at tiningnan ko siya ng masama. Inihawak ko pa ang isa kong kamay sa braso ni Jake.
"Let's go, Babe!" sabi ko sa kaniya.
"You're so cute and I like it!" bulong sa akin ni Jake.
"Acting lang ito," bulong ko rin sa kaniya.
"Mas maganda kung totohanan," sagot niya sa akin.
"Excuse me! Kakakita lang natin at hindi ka naman nanliligaw, ah?" mataray kong sabi pero hininaan ko lang ang aking boses.
"Hay naku, Hazel! Tigilan mo na ang pagpapa-cute sa akin at baka hindi ako makapagpigil," pabirong sabi sa akin ni Jake.
"Pinagsasabi mo riyan? Saan nga pala ang tuloy mo?" tanong ko sa kaniya para maiba ang usapan.
"Sa condo unit ko sa Makati. Malapit lang din naman iyon sa bahay."
"Bakit hindi ka na lang dumiretso sa parents mo?"
Nasa labas na kami ng Airport at kasalukuyang nagtatawag ng taxi. Tiningnan niya ako sa mga mata.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako umuwi."
Hindi na ako nag-react sa sinabi ni Jake. Mabuti na lang at may dumating na taxi.
Nauna na akong sumakay habang inilagay niya ang maleta sa trunk ng taxi.
"Sa Venice Condominium po tayo, Manong," sabi ni Jake nang makasakay na ito.
"Sige po, Sir!"
Panay ang tingin ko kay Jake. Nahihiya naman kasi akong tanungin siya kung bakit sa condo niya kami tutuloy. Sa tingin ko ay nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.
"Gusto mo bang mag-date tayo na may bitbit akong maleta?" tanong niya sa text.
"Sana sinabi mo kasi," sagot ko naman.
"Don't overthink, Babe! Kahit galing akong States eh, pinoy moves pa rin naman diskarte ko."
"Babe ka riyan!" reply ko at sinamahan ko pa ng snob emoticon.
Pinadalhan naman niya ako ng cute face emoji. Silly face naman ang sagot ko. Tawang-tawa si Jake habang nakatingin sa cellphone. Pagkatapos ay pinisil niya ang aking magkabilang pisngi na parang nanggigigil.
"Aray!"
"Sorry! Napadiin ata ang pagpisil ko," sabi niya saka inilapit ang mukha niya sa akin para matingnan ang pisngi ko.
Naamoy ko tuloy ang pabango niya pati na rin ang kaniyang mabangong hininga. Ipinikit ko na lamang ang aking mata para pigilan ko ang aking sarili.
"Ay, sorry! Namula tuloy ang pisngi mo," narinig kong sabi niya.
"It's okay! 'Wag mo na lang uulitin," sabi ko sabay usod palayo.
"Andito na ho tayo, Sir!" sabi ng taxi driver.
"Patay! Hindi pala ako nakapagpalit ng pera. Pwede bang makihiram sa'yo?" sabi ni Jake sa akin.
"I forgot my wallet. Isinabay lang kasi ako ng pinsan ko kanina."
"Manong, tumatanggap po ba kayo ng dollar?" tanong ni Jake sa driver.
"Pwede naman po, Sir!" nakangiting sagot nito.
"Pasensya na po kayo at hindi ko po naalala. Na-excite po kasi akong makita ang girlfriend ko at pati rin po ata siya kaya nakalimot din," pabirong sabi ni Jake sa Driver at kumindat ito sa akin.
Nakita kong inabutan ni Jake ng 100 dollars ang Driver.
"Okay na po iyan, Manong. Pasalubong ko na lang po ang iba."
"Ay salamat! Bayad na kaagad ang boundary ko. Salamat ho, Sir! Pagpalain po kayo."
"Wala pong anuman! Sige po," tugon ni Jake at bumaba na kami ng taxi.
Namangha ako sa pinakitang kabaitan ni Jake. Ngunit mas kinilig ako sa sinabi niyang girlfriend niya ako.
"Assuming ka naman! Joke lang kaya iyon," sabi ng aking isipan.
Nakita pala ni Jake ang pagngiti ko.
"Tama ang sinabi ko ano?" tanong niya sa akin habang hinihila ang maleta papasok sa Condominiun.
Tiningnan ko siya habang nakataas ang isa kong kilay. Patawa-tawa naman ito hanggang sa makasakay kami sa isang exclusive elevator na para sa mga VIP. Sinamahan pa kami ng guwardiya hanggang sa makarating sa tuktok ng building na iyon.
"You're living in a Penthouse?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Napalingon ang Security Guard sa akin. Hindi naman ako pinansin ni Jake. Nakita kong may sinabi ito sa guwardiya ngunit hindi ko narinig. Binuksan na ni Jake ang pintuan ng Penthouse at bumungad sa akin ang isang napakagandang living room.
High ceiling ang living room at napapaligiran ng salamin na kitang-kita ang nagtataasang mga building sa paligid. Isang malaking sofa ang nakalagay sa gitna ng living room. Sa kulay pa lang ay halatang lalaki ang nakatira rito.
"Come in! aya sa akin ni Jake.
Pumasok ako ngunit ang mga mata ko ay palinga-linga lang sa paligid. Meron din itong staircase na napakaganda. Maya-maya lang ay may lumapit sa amin na isang matandang babae.
"Jake, na-miss kita!"
"Yaya Sol! I miss you, too!" tugon dito ni Jake sabay yakap.
"Mabuti naman at tinawagan mo ako na darating ka. Napalinisan ko ng husto ang iyong Penthouse," wika ng matanda kay Jake pero sa akin nakatingin.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na hindi man lang ngumingiti. Nginitian ko siya ngunit tumaas lamang ang isang kilay nito.
"Yaya, siya si Hazel, my girlfriend!"
Hinila ako ni Jake at napayakap ako sa kaniya. Sa inis ko sa matanda ay lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Jake na sa tingin ko ay lalong ikinainis ng yaya.
"Babe, siya si Yaya Sol. Ang yaya ko mula pa noong baby pa ako."
"Hello po, Yaya Sol!" bati ko at diniinan ko pa ang salitang yaya.
Hindi ako mapanghusgang tao ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili sa inasta ng matanda.
"Akin na ang maleta mo at iaakyat ko na sa iyong kuwarto. Nakahanda na rin ang mesa at pwede na kayong kumain," pilit ang mga ngiting sabi ni Yaya Sol kay Jake.
"It's okay, Yaya! Ako na po ang magdadala ng maleta ko sa kuwarto."
Nakita ko na umismid ito ngunit hindi iyon napansin ni Jake. Bigla kasing tumunog ang cellphone nito.
"Sasagutin ko lang ito, ha? Yaya, kayo na po muna ang bahala kay Hazel," sabi nito at tumalikod na sa amin.
Lumabas si Jake sa isang sliding door at nagtungo sa isang garden.
"Galing ka rin bang America? Kailan pa na naging kayo ni Jake?" magkasunod na tanong sa akin ni Yaya Sol na hindi man lang ngumingiti.
"Hindi po, Yaya! Nagtatrabaho ho ako sa kompaniya ng kaibigan ni Jake. Kilala niyo po si Nicholas?"
Medyo natameme ang matanda nang banggitin ko ang pangalan ni Sir Nicholas. Marahil ay kilala nga nito.
"Mauna ka nang kumain kung gusto mo. Mukhang importante pa ang kausap ni Jake," may kahinahunan ng sabi nito sa akin.
"Aantayin ko na lang ho si Jake," sabi ko at iniwan na niya ako.
Naupo lang ako sa couch habang hinihintay si Jake. Nang makaramdam ako ng pagkainip ay nagbasa ako ng magazine hanggang sa makabalik siya. Niyaya na niya ako sa dining area para kumain.
"Babe, is it okay na rito na lang tayo sa Penthouse mag-date? Pwede ako magpa-set-up sa may garden then magbarbeque and wine tayo."
Na-excite ako nang marinig ko ang barbeque dahil favorite ko iyon. Inisip ko na baka pagod na ito sa mahabang flight kaya pumayag na ako.
"Sure! Mas okay na ang gano'n para makapagpahinga ka na rin."
"Don't mind me because I'm fine. Naisip ko lang kasi na mas maganda ang view rito kesa sa ibang building."
Kumuha si Jake ng dessert at inabutan niya ako.
"Thank you!"
"Yaya Sol, paki-ready naman po kami ng marinated meat para mamaya. Saka pakiayos na rin po sa labas," wika ni Jake kay Yaya.
"Sige at maiiwan ko muna kayo," sabi nito.
"Salamat po!"
Pagkaalis ni Yaya Sol ay tinanong ako ni Jake.
"How long have you been sa company ni Tito Gabriel?"
"Eight years na. Nauna lang ako ng one year kay Mira."
"I see!" sabi niya na tumatango-tango pa. "Okay naman ba sa company?" tanong pa niya sa akin.
"Dati, oo pero ngayon hindi na. Masyado na kaming drained sa department namin lalo at bago na ang head. Ang asawa ni Sir Nathan na kasi ang pumalit sa posisyon niya."
Napansin kong titig na titig ito sa akin habang nagsasalita ako.
"Pero ang status ng company, okay naman?" muling tanong sa akin ni Jake.
"It's doing good naman sa stock market. Naninibago lang kasi kami lalo na at maraming bago sa management. Two of my colleagues already filed a resignation letter," sabi ko na biglang nalungkot nang maalala ko ang mga kasamahan.
"That's a bad thing! Can you help me?"
"Help you for what?"
"I'm planning to stay here for a while and expand my business. And be a stockholder for DGC. Syempre mangangapa ako kapag nakapasok ako sa company. Can you be my assistant, Hazel?" tanong ni Jake na tila nagmamakaawa ang mga mata sa akin.
"H-ha? A-ako gagawin mong assistant?" nagkakandautal kong tanong sa kaniya.
"Yes, please! I need someone I can trust and I think it's you."
"I'll think about it, Jake. Alam mo naman na assistant manager na ako sa marketing department at hindi madali ang umalis lalo na at napamahal na sa akin ang kompaniya."
Hinawakan ni Jake ang aking kaliwang kamay at pinisil iyon. Iniangat ko ang aking ulo at tinitigan siya.
"Hindi ka mawawala sa kompaniya. You still work in DGC but under na sa akin. 'Di ba sabi mo nahihirapan ka ngayon sa bago niyong head? Dapat masaya ka sa work mo, Hazel, para lalo kang ma-inspire," pangungumbinse sa akin ni Jake.
"I'll think about it."
"Okay! Anyway, I'm not rushing naman. Just tell me if you made a decision but I'm still hoping that you consider to be at my side," sabi ni Jake na nakangiti ng ubod tamis sa akin.
Tumango lamang ako at uminom na ng tubig.
"You want to watch a movie?"
Biglang lumiwanag ang aking mukha. Ang hilig ko kasing manood ng sine pero ilang linggo na akong hindi nakakalabas dahil panay ang overtime namin sa trabaho. Kapag weekend naman ay mas gusto ko ng matulog para makabawi sa lahat ng puyat.
"Really?"
"Halika!" sabi niya sabay hila sa aking kamay.
Magkahawak ang kamay namin nang nagtungo sa isang kuwarto. Nanlaki ng husto ang aking mga mata nang makita ang isang napakagandang theater room.
"You like it?"
"Yes! OMG! Ang ganda!" bulalas ko at napanganga pa ako sa labis na paghanga.
Mayroong two-seater couch sa gitna na pwedeng ihiga para mas maging komportable sa panonood. Napakalaki rin ng screen. Binuksan muna ni Jake ang aircon para lumamig na.
"Take a seat first at aayusin ko lang ito. You can choose here na rin kung anong movie ang gusto mo," sabi niya sabay abot sa akin ng isang listahan ng mga pelikula.
Nang matapos na ni Jake ang pagset-up at nang may mapili na ako na pelikula ay magkatabi kaming naupo sa couch.
"Just tell me if you want to drink or eat," bulong niya sa akin.
"Okay!"
Habang nanonood ay napapansin kong humihikab si Jake. Hinayaan ko na lamang siya nang makita ko itong nakapikit na. Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang isang blanket na nasa sulok ng theater room. Kinumutan ko siya at akmang tatayo ako uli para kunin ang remote control nang hinila niya ako. Nawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa kandungan ni Jake.
"Please stay here for a while," pabulong na sabi niya sa akin habang nakapikit pa rin.
Nakayakap sa akin si Jake at hinayaan ko na lamang. Pakiramdam ko rin kasi ay wala akong lakas para tumanggi. Inihilig ko na lang ang aking ulo sa malapad niyang dibdib.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanatili sa gano'ng posisyon dahil nakatulog din ako. Nang magising ako ay nakayakap pa rin sa akin si Jake. Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay niya at tiningnan kong mabuti ang kaniyang mukha sa malapitan.
"Nagagwapuhan ka sa akin 'no?"
Bahagya akong nagulat nang mahuli niya ako na tinititigan ko siya. Nagtama ang aming mga mata at akmang hahalikan niya sana ako ngunit mabilis ko siyang naitulak at umalis ako sa kaniyang kandungan.
"I'm sorry, Hazel!"
"It's okay! Hindi na natin napanood ang movie at nakatulog na tayo pareho," sabi ko habang iniiwas ang mga mata ko sa kaniya.
Tumawa siya nang mahina saka tumayo at lumapit sa akin. Muli niya akong niyakap.
"Don't worry, I won't do anything na hindi mo rin gusto," sabi niya.
Nagpasya na kaming lumabas sa theater room. Pumunta kami sa garden at tamang-tama na papalubog na ang araw. Pasado alas singko na kasi ng hapon.
"Ang ganda! May naka-stay ba rito?" tanong ko kay Jake.
"Wala naman! Ito kasi ang secret place ko at si Yaya Sol lang ang nakakapunta rito kapag paparating ako para maglinis. Minsan kasama niya ang iba pa naming kasambahay. Every week niyang binibisita ito kapag wala ako para madiligan ang mga halaman."
"Even your parents hindi pa nakakapunta rito?" curious kong tanong sa kaniya.
"Hindi! Pamilya ng malapit naming kaibigan ang may-ari ng building na ito at ibinenta niya sa akin itong Penthouse. And it's worth it, right?"
Tumango lang ako. Naisip ko na marahil ay hindi siya gano'n ka-close sa kaniyang parents tulad ni Sir Nicholas.
"May hinahanap ka?" tanong niya sa akin nang mapansin nito na palinga-linga ako.
"Si Yaya Sol?"
"Ah, umuwi na si Yaya."
"Ha? So tayong dalawa lang ang nandito?"
"Oo at solong-solo natin itong Penthouse."
"Kung ano man ang iniisip mo, mas mabuting huwag mo ng ituloy," sabi ko sa kaniya nang makita kong nakangisi siya.
"Ano ka ba? Magba-barbecue lang tayo at iinom ng wine then ihahatid na kita sa inyo. Unless gusto mo na rito na matulog," ani Jake habang tumatawa.
"Siguraduhin mo lang," banta ko sa kaniya.
"I swear! You're my boss tonight!" sabi pa niya sa akin habang nakataas ang kanang kamay.